KABANATA 13

548 8 1
                                    

KABANATA 13

FRIENDS

Kinabukasan ng linggo ay maaga akong nagising kahit na gabi na nakatulog. Hindi kasi nagpa –awat sa pag uusap ang hari ng kasungitan. Galit daw pero miss naman ako. Galit daw pero hindi yata makakatulog nang hindi ako nakakausap. I giggled. The king of kasungitan makes me crazy and insane as always.

Nakangiti akong lumabas ng kwarto. Ang ganda nang simula ng araw ko! Kapag ba naman si Isagani ang iisipin mo, sinong hindi gaganda ng araw? Maganda na nga ako, maganda pa ang dahilan ko para ngumiti at maging masaya!

"Ang aga mong magising, Ate?" bungad ni Robi nang lumabas ako nang bahay para mag inat inat. Naroon siya sa maliit naming hardin at nagpapa init sa umagang araw. Lumapit ako sa kanya at sinumulan ang basic exercise ko.

"Nasanay lang dahil sa trabaho," sagot ko sa kanya.

"Bati na kayo ni Kuya Isagani?" usisa niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Simpleng tsismoso din itong kapatid ko eh! At teka nga, bakit nakiki –kuya ito kay Isagani? Magkapatid na sila?

"Hindi naman kami nag away." Sagot ko sa kanya. "Bakit kuya ka nang kuya kay Isagani? Kapatid mo na 'yon?"

Pero ang magaling kong kapatid, hindi sinagot ang huli kong tanong.

"Maniwala sa'yo, Ate. Hindi ka nga mapakali kagabi, eh." Ngisi niya sa akin. "Ba't mo kasi kinalimutan na may boyfriend ka na? Wala kang kwentang girlfriend kung ganoon."

Sinamaan ko siya nang tingin dahil sa sinabi niya. Gano'n agad!?

"Grabe ka naman! Na excite lang akong makauwi kahapon kaya nakalimutan kong magpaalam sa kanya."

"Ewan ko sa'yo, Ate. Kung ako si Kuya Isagani, ibebreak na kita!"

"Whatever, Conrado!" irap ko sa kanya. Tss. Basta bati na kami ng hari ng kasungitan! "Saan si Papa?"

"Nasa likod, nagsisibak ng kahoy," sagot niya. Tumango lang ako.

"Mamamalengke ako mamaya. May ipapabili ka?"

"Wala naman, Ate. Kumpleto pa naman ang mga gamot ko."

After our talk and basic exercise, I cooked our breakfast. Kwentuhan ulit ang naganap. Buti na lang at hindi nabanggit ni Robi ang tungkol sa amin ni Isagani. I don't know how I would tell my father the relationship I have with Isagani. Baka kasi magalit siya. And I don't want that to happen and I'm not yet ready to tell him. But I don't want to lie and keep it a secret. Siguro ay hahanap na lang ako ng tiyempo para sabihin kay Papa ang tungkol sa amin ni Isagani.

I sighed. Bahala na. Basta bago ako bumalik ng Maynila, sasabihin ko sa kanya.

"Anong oras ka pupunta sa palengke, anak?" tanong ni Papa matapos kong iligpit ang pinagkainan namin.

"Maliligo at mag –aayos lang ako, Papa tapos ay lalakad na," I answered.

"Ito anak ang pera," abot sa akin ni Papa ng pera niya. Mabilis akong umiling sa kanya. May ipon naman ako, ibabawas ko na lang muna doon para bawas gastos na rin sa kanya.

"Hindi na, Papa. May pera pa po ako. Itago niyo na lang po muna iyang pera para may panggastos kayo ni Robi sa susunod."

"Anak, allowance mo iyan sa pasukan mo."

"May ipon po ako, Papa. Saka hayaan niyo na lang po ako. Minsan lang naman eh." Pilit ko sa kanya.

"Hayaan mo na si Ate, Papa. Hindi ka mananalo diyan," singit ni Robi sa amin. Nginisian ko siya. Alam talaga nitong hindi ako magpapatalo kay Papa pagdating sa usapang pera!

Madly (IN LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now