KABANATA 5

653 19 0
                                    

KABANATA 5

JEALOUS

Love is a very strong feeling. No matter how hard you tried to avoid it, love will always find its way on someone's heart. Love will hit you hard in the most unexpected way and time. Hindi maiiwasan, hindi mapipigilan. Wala kang ibang magagawa kundi  ang tanggapin na lang.

I never thought that I will fall for Isagani. Never in my dream. I have a crush on him but that's it. Hindi ko alam na magiging malalim. I just realized it a week ago at talagang hindi ko inaasahan.

Funny how I cursed myself that no matter what happen, I will never fall for him. I even promised but look at me now. Madly inlove with him. Baliw na baliw.

"Kapitana!" I was startled when Miss President shouted. Napabalik ako sa reyalidad. Masama niya akong tiningnan. "Ano bang nangyayari sa'yo, Kapitana? Buong linggo kang wala sa sarili mo?"

"Sorry. Just thinking something." I answered and sighed. Isang linggo na akong ganito. Wala sa sarili at iniisip na mahal ko si Guhit. It was so awkward for me. Buti nga at hindi naman napapansin ni Guhit ang pagkakaba ko kapag malapit siya at buti na lang pareho kaming busy kaya minsan na lang kami mag usap nang matino.

"Saan ka next year? Hinihingi na ni Dean ang list kung saan tayo mago-ojt," Miss Preaident asked.

Narito kami ngayon sa canteen having our lunch. Sa kanila ako nakisabay dahil busy nga si Guhit at may klase naman sina Aya. Isang linggo ko na ring kasama si Miss President kaya pansin niya ang laging pagkawala ko sa sarili.

"Sa Samaniego Medical Group, Miss President," tahimik kong sabi.

"Are you okay? Do you have problems?" she asked again. "I mean, look at you. You're not our Kapitana. Hindi ka na maingay."

"Oo nga, Kapitana. Parang lagi kang wala sa sarili mo," Kristel, my classmate, stated.

"I'm okay. May iniisip lang pero keri ko naman."

Mukhang naintindihan naman nila. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Sa dami ng mabigat na isipin na mayroon ako, hindi ko alam kung bakit iyong pagmamahal ko kay Guhit ang pinaka-iniisip ko. Tangna, baliw na talaga ako.

I was busy eating and thinking when the table went silent. Parang may dumaang anghel sa lamesa namin. Hindi ko sana iyon papansinin at hindi rin sana ako mag-aangat ng tingin kung hindi lang sa exaggerated na reaksiyon ni Miss President.

"Oh. My. Gosh!" she exclaimed kaya napaangat ako ng tingin pero sana hindi ko na lang ginawa.

Walking side by side, Isagani and Maxine made an entrance. Naglalakad lang naman sila pero parang pinipiga ang puso ko. Napapansin ko na madalas na silang magkasama at may pagkakataon din na nalalaman ko na inihahatid ni Isagani si Maxine.

Akala ko busy siya? Kailan pa naging business student si Maxine?

Noong una wala naman akong pakialam kasi nga hindi naman ako girlfriend pero sa totoo lang masakit. Jealousy strike hard.

"Nanliligaw ba si Kapitan doon sa Engineering na 'yon?" Carla asked directly to me.

"Oo nga? Madalas ko silang nakikitang magkasama. Nag away ba kayo ni Kapitan? Parang hindi kayo nag uusap?"

"Hindi ko alam kung nanliligaw. Hindi rin kami nag away," sagot ko sa sunod sunod nilang tanong.

Nag iwas ako nang tingin sa kanila. Hindi ko na rin gustong tingnan sina Isagani.

"Now I know why you're acting like that, Kapitana," makahulugang komento ni Miss President. "I wonder what it feels seeing him with another girl?"

She smirked and that hit a nerve. Tinamaan talaga ako sa sinabi niya. It feels like I was stabbed twice straight in the center of my heart. Okay sana kung may relationship kami eh wala naman. Anong karapatan kong magselos?

Madly (IN LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now