KABANATA 11

613 12 0
                                    

KABANATA 11

SURPRISE

If you believe that you can do everything with hard work and determination, success will always be the prize of it. If you choose to fight even in the darkest of times, there will always be light at the end. A light that serves hope and strength.

I looked at my team who's now celebrating our success. I smiled as I watched them wear that smile of triumph. I can see happiness and contentment to each one of them. This is the success I wanted to see every championship. Not the trophy, the title or the awards. That smile everyone wears after the hardships and struggle -a victory for me. Happiness and contentment is my own version of success and victory.

Noon, pinilit kong tinalikuran ang volleyball. I hated it before, actually. It was one of the reason why my high school life is not a good memory to treasure and now, seeing these people happy with volleyball, I regret hating it for too long. I loathed volleyball for the ruin friendship. Now, I love it for the new friendship, better than before.

I smiled. I really love Volleyball.

Magulo ang buong venue dahil sa pagkapanalo namin. Hindi magkamayaw ang mga manonood sa pagsigaw. Si Coach naman ay nandoon na sa isang sulok at nagpapa- interview na. May pagpapahid pa ng luha!

"Kapitana, we made it!" salubong nila sa akin.

"Ang galing galing mo talaga, Kapitana!" said Thea. Humalakhak ako sa sinabi niya. Kung ako lang, hindi kami mananalo. We are a team. Kung magaling ako, magaling din sila.

"O bakit? Ako lang ba ang naglaro?" ngumisi ako sa kanila. They laughed.

"Ay ang gaga pa humble!" asar ni Aya. "Ang arte mo, Kapitana!"

"Pader ka talaga, Alyanna!" balik kong asar sa kanya. Sumimangot naman siya sa akin. Lalo namin siyang inasar. "Ba't ba ako ang binabati niyo? Bea did that championship point!"

I smirked at Bea. Bigla siyang nahiya! Oh, so cute!

"Nahihiya si Beatrice!" lalo kaming nagtawanan. I will surely treasure this moment of triumph.

Nahawi ang kagulugan ng tagumpay nang mag awarding ceremony. We line up for the awards. Sigawan muli ang naganap sa loob ng napakalaking venue.

The Eagles are on the third place. The Titans are on the second place and my team as the champion. I got the title of being the Season's MVP for the second time. Chrishane was awarded as the best setter and Aya as the Finals' MVP. Iyon ang nakuha ng team ko. We were thankful for that. I'm happy for the achievements of my team. Masaya kaming lahat.

Lagi kong ipinapaala sa kanila na there's always a right time for everything. Kaya alam kong masaya sila sa nakuha ng team. We got the victory and that's enough.

Pagod ako pagkatapos nang masayang sandaling iyon. Parang binugbog ang katawan ko sa sobrang pagod na nararamdaman.

Nagtipon kami sa gilid para hintayin si Coach na kinakausap ng mga taga association at para na rin pag usapan ang celebration namin.

"Siguradong sakit ng katawan ang bubungad sa akin pagkagising," Aya stated. Hinilot ang mga balikat bago sumimangot. "Walang tatawag ng alas kwatro ng madaling araw, sinsabi ko sa inyo! Sa pagod na nakuha ko, tulog ako pagdating sa bahay!"

"Huwag kang maarte diyan, Alyanna! Hindi ka madibdib!" tawa ni Chrishane. Natatawa akong nakikinig sa kanila.

Patuloy lang sila sa pag aasaran. Ako naman ay tahimik lang na nanonood sa kanila dahil iniisip ko kung nasaan na ba si Isagani. Kanina pa natapos ang laro pero hindi ko pa rin siya nakikita. Kanina, pagkatapos din ng awarding ay hindi siya lumapit.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang