KABANATA 7

640 12 0
                                    

KABANATA 7

ISSUE

Nagmamadali akong lumabas ng Villa nina Miss Denisse. Tinanghali ako dahil sa kakulitan ng kambal. Maaga kasi silang at nakipaglaro sa akin. Hindi ko namalayan ang oras. Kung hindi pa nagtext ang hari ng kasungitan ay hindi ako magmamadali. Nakasalubong ko pa si Sir Ezekiel.

"Why in a hurry, Cha?" he asked. May dala dala siyang tasa.

"Late na po ako, Sir. Pasabi na lang po kay Miss Denisse na napakain ko na ang kambal saka ready na po ang breakfast! Bye po!"

Pagtawa lang niya ang narinig ko dahil nagmamadali ako. Nandiyan na ang hari ng kasungitan at naghihintay.

Pagkalabas ko ay naroon na nga si Guhit. Para na naman siyang model na nakasandal sa sasakyan niya.

"Ba't ang tagal mo?" masungit niyang tanong.

"Ang kulit ng kambal eh," hinihingal kong sagot. "Late na ba tayo? Anong oras ba ng laro niyo?"

"Eight," masungit niyang sagot bago binuksan ang pinto ng kotse.

"Ba't ang sungit mo na naman?" nakasimangot kong tanong. Ang aga aga, ang sungit sungit.

"Tss," irap niya sa akin pagkaayos niya ng seatbelt niya. "Where's my good morning kiss?"

"W-what?" nagulat ako roon.

"My morning kiss," he simply said like a child asking for his milk.

"Nakadrugs ka ba, Isagani Alexis?" I asked. Never minding the abnormal beating of my heart.

Is he serious? Bakit bigla bigla siyang ganito? Wala nga kaming label eh tapos manghihingi siya ng halik?

Nahalikan ka na nga eh. Maraming beses na.

Tanungin mo kasi kung ano kayo. Hindi 'yang ganyan ka. Mababaliw sa kakaisip kung anong estado ng relasyon niyong dalawa.

Natahimik ako at nahulog sa malalim na pag iisip. Iniisip kung ano nga ba kaming dalawa ni Isagani.

This is not my first time but compare to my past relationship, this is new. Noon, niligawan ako. Noon, may may label. Hindi nga lang nagtagal dahil nakabuntis ng iba ang ex kong gago kaya kami naghiwalay.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. It was fast and unexpected. Not because his father announced that I'm engaged to him, aasa na ako. Paano pala kung may gustong iba? Kung may mahal siyang iba? Paano pala kung wala lang ito? Paano ako? Lalagapak ako at masasaktan?

I sighed heavily. This is getting serious. Everyone knows we're engage. We skip the boyfriend-girlfriend stage. Hindi kami nagligawan man lang. I don't like this. Everyone may think that I'm after their money or I am a gold digging bitch trying to bewitched him.

I should talk to Isagani about this matter.

Kailangang linawin ang lahat.

Nakarating kami sa University nang hindi ko namamalayan. I'm in deep thought that I failed to notice that Isagani Alexis Sketch is eyeing me. Napansin siguro ang bigla kong pananahimik. He's looking at me intently. Watching my every move.

Pagkapatay niya sa makina ng sasakyan niya and was about to stormed out his car, I opened the topic.

"Do you like Maxine?" I asked trying to start the topic I wanted us to deal with. Gulat niya akong tiningnan.

"What are you saying?" confused he sit properly. "Come on, we'll be late."

"Do you like Maxine?" ulit ko. "Are you courting her?"

Madly (IN LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now