KABANATA 3

718 13 0
                                    

KABANATA 3

GETTING MARRIED

The dinner with the Sketch family went well, I guess. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Una, iyong tatay ni Guhit, pinahirapan akong mag english marunong naman palang magtagalog. Pangalawa, iyong tatay pa rin ni Guhit, binuksan ang usapang kasal so he can free his schedule daw. Pangatlo, iyong magkapatid na Sketch hindi man lang tumutol. At pang apat? Ako na walang nasabi at tumahimik dahil hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksiyon ko.

Ganoon ba talaga ang mga mayayaman? Getting marriage in any age is normal for them. I don't understand because for me marriage is sacred and for two people tied by love. In my case, I'm not even the girlfriend! Oo at may crush ako kay Isagani pero duh? Magpapakasal? Ni hindi nga namin mahal ang isa't isa.

At dahil sa usapang iyon, hindi ako nakatulog nang maayos kaya ito ako, parang zombie na naglalakad sa gitna ng hallway. A zombie wearing a white uniform for this matter!

"Kapitana!" someone called from behind. I looked back and saw Aya and Chrishane ruuning towards my direction. "Kanina ka pa namin tinatawag. Are you okay? You seemed occupied."

Lihim akong napatawa. I can't believe this is happening. That topic made me out of my senses. "Sorry. I'm just thinking about something," I sighed deeply. Enough of that, Charity.

"Kung ano man ang iniisip mong something, Kapitana, mamaya na. Magsisimula na ang laro nina Kapitan!" Aya said with so much excitement.

"Mas mukha ka pang excited kaysa kay Kapitana, Aya!"

"So?? Ang dami kayang gwapo! Kalaban nila ang mga taga Education ng kabilang school!" I raised my kilay. Kahit si Chrishane ay nagtaas na rin ng kilay.

"Whatever, let's go," aya ko sa kanila.

Naunang maglakad si Aya at naiiling naman kaming sumunod ni Chrishane. I don't know what's gotten into her. Araw araw naman siyang nakakakita ng gwapo.

We reached the gymnasium five minutes after. Madami ng tao at hindi magkamayaw dahil talaga namang sikat ang mga taga Education ng kabilang school at lalo naman ang varsity ng University namin.

"Kapitana, dito!" Sammy shouted. Naglakad kami patungo sa kanila na nasa likod lamang ng bench ng players.

"Hi, Kapitana!" bati ng ilang kakilala nang makaupo na ako. Isang tipid na tango lang ibinigay ko sa kanila.

"Ayos ka lang Kapitana?" Chrishane asked. I simply nodded. Hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood simula pa kaninang umaga. Siguro ay dahil sa usapang kasal? Pero teka nga? Bakit ko ba iyon iniisip? Dapat balewala lang iyon! Hindi naman kasi ako totoong girlfriend ni Guhit!My gosh, Sketch! You're ruining my mood everytime!

The game started and it was like a championship! Ang tense at ang init ng laban. Practice pa lang naman at mga taga Education pa lang ang kalaban paano pa pag Intergames na at kalaban na nila ang mga varsity ng kabila?

Hinanap ng mga mata ko si Isagani. Seryoso siya habang tumatakbo sa gitna ng court. Minsan nagsasalubong ang mga kilay. Ito ang dahilan kung bakit balewala sa akin ang ibang mga gwapo sa paligid. Kay Isagani pa lamang ay bawing bawi na ako. Maghahanap pa ba ng iba?

Minsan nga napapatanong ako, ang ganda siguro ng mood nang likhain si Isagani. Perpekto ang pagkakalikha sa kanya. Mula sa makakapal na kilay hanggang sa perpektong hugis ng mga panga. Noon yatang nagpasabog ng kagwapuhan ang langit, sinalo niyang lahat.

Natapos ang laro nang hindi ko namalayan. Nanalo sina Isagani pero hindi ko man lang napansin. My mind was occupied by how handsome Isagni is. I laughed inwardly. What the hell are you thinking, Charity? Kailan ka pa nahumaling sa alindog ni Guhit?

Madly (IN LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now