Special Chapter

9.3K 174 11
                                    

7 years after.....

Autumn's Pov


"Hi boys." nabalot ng mapang-akit na tinig ang loob ng isang pribadong silid. Lumingon sa amin ni Ate Elley ang limang kalalakihan na siyang target namin sa misyong ibinigay sa amin. Tila mga uhaw na hayop ang mga ito habang pinagmamasdan kami ng kapatid ko. Pareho kaming nakasuot ng hindi kaaya-ayang damit na pinag diskusyunan muna namin nina Lucas at Kuya Yuan bago sila pumayag sa misyong ito maging sa pagsuot ng damit na ito.




Agad namang lumapit ang dalawang lalaki sa amin kasabay nito ang pag hapit nito sa amin papalapit sa kanila.




"What the fucking fuck?!"




"Did...Did that fucking jackass just touch what's mine?! I'm going to kill that fucking asshole! "agad na umikot ang mata namin ng kapatid ko ng marinig namin ang sabay na pagmumura ni kuya Yuan at Lucas mula sa suot naming earpiece. Ngunit imbes na pansinin ay ipinagpatuloy lang namin ang trabahong ibinigay sa amin.





"Want some drink, honey? " mapang akit na sabi ni ate sa lalaking nakahawak sa beywang nito. Pasimple naman itong lumayo ng akma itong hahalikan ng lalaki.





Motherfucker!




Agad kaming kumuha ni ate ng alak at ibinigay ito sa kanila at naupo sa tabi ng mga ito. 




"When will be the shipment start? " simulang tanong ng isang lalaki.  Agad naman kaming naging alerto ni Ate ng marinig namin ang sinabi nito.  ito ang dahilan kung bakit nandito kami ngayong magkapatid.





"Darating bukas ng alasais ng gabi ang isang barko kung nasaan ang mga drogang ibebenta natin.  Kasama na din ang mga baril na kinuha natin sa Russia. " sagot ng isang lalaki at uminom ng alak. 




"Is everything clear for tomorrow's transaction?" tanong pa ng isa.



"Yes.  It's all settled. "




"Good.  Ayokong magkaroon ng problema para sa transaksyon bukas. " dagdag pa nito.





"We've heard enough." imporma ni Kuya Carter sa amin dahilan para dahan dahan kong hawakan amg baril na nakatago sa gilid ng damit ko.




"Hands up!" hiyaw ko sa mga ito kasabay ng pagtutok namin ng baril ng kapatid ko sa mga ito.





"Huwag na kayong mag aksaya ng panahon pa para hugutin ang mga baril ninyo. I won't hesitate to pull the trigger and kill all of you. " malamig na banta dito ni ate Elley ng akmang bubunot na ng baril ang isang lalaki. 



"Drop the guns. " babala ko.




Ngunit walang sumunod sa mga ito.





"NOW! " malakas na hiyaw ko.  Agad namang sumunod ang mga ito ngunit hindi ko inakala ang pag-ataki ng isang lalaki sa akin dahilan para mabitawan ko ang baril ko. 











Agad ako nitong inataki ng suntok ngunit kalkulado ko ang bawat galaw nito kaya hindi nito ako mapatamaan.  Sa loob ng ilang taong pagsasanay ng CHAIN sa amin ay halos perpekto ko na ang paraan ng pakikipaglaban na hindi gumagamit ng dahas. Agad kong hinawakan ang braso nito at siniko ang dibdib kasabay ng pagbalibag ko dito.  Umataki naman ang iba pang lalaking nasa loob at sinugod kaming dalawa ng kapatid ko.






"Papasok na ba kami? " tanong ni Kuya Erebos mula sa kabilang linya.





"Let us handle everything. " sagot ni Ate dito kasabay ng pag ataki namin sa mga kalalakihan.  Agad na sinipa ni ate elley ang maselang parti ng katawan ng isang lalaki na namilipit sa sakin. Agad kong hinila ang lalaking akmang susuntok na sa kapatid ko at tinadyakan ito ng malakas kasabay ng pagkuha namin ng aming baril.




EAST UNIVERSITYOnde histórias criam vida. Descubra agora