Chapter 34

7.4K 210 0
                                    


Autumn's POV


"Mas napaaga ata ang pagdating mo kumpara sa inaasahan ko." nakangising sabi ng isang lalaki ng makapasok ako sa silid. Natatandaan ko siya,  siya ang binatang may hawak noon kay Ate.  Nagdilim ang paningin ko ng muling sumariwa ang nangyari noon sa kapatid ko.


"I've been looking for you pero masyado kang magaling magtago. It's been a while, paano ka nabuhay ng ganoon katagal knowing na may namatay na inosenting bata sa mga kamay mo ilang taon na ang nakararaan." walang emosyon kong sabi at tinignan ito ng malamig. Nakita ko din ang pag guhit ng sakit sa mata ni Kuya at Yuan na tahimik lang na nasa likod. Pareho ang tatlo na bugbog sarado at puno ng dugo ang buong damit.Mukhang nakipaglaban muna ang mga ito bago sila tuluyang nakuha ng Pentagon.


"I've been living in peace. Ni wala man lang nga akong naramdamang pagsisisi sa ginawa ko noon." nakangising sagot nito. Ikinuyom ko ang mga kamao ko at nagtatagis ang mga bagang ko ng dahil sa naging sagot nito.


What a monster!


"At labis din ang panghihinayang ko at nakaligtas ka pa sa ilang bala ng baril na tumama mula sa katawan mo.  Mukhang nakatadhana nga talagang mabuhay ka muna ng ilang taon pa bago kita patayin at mukhang ngayon na ang katapusan ng lahat ng iyon. "


I got seven shot of bullets in my body before. Himala na lang nga at nabuhay ako at nakaligtas mula sa tama ng mga bala ng baril na iyon.


"I think you misrepresent it. Nabuhay ako hindi para patayin mo lang ulit.  Nabuhay ako dahil ako mismo ang papatay at magpapabagsak sa demonyong organisasyong mayroon kayo. " mapaklang sabi ko rito.


"Masyadong malaki ang tiwala mo sa sarili mo iha,  hindi ka ba takot sa kamatayan? Malakas din ang loob mo para pumuntang mag-isa dito. " mayabang na sabi ni Ms. Clay. 

Tinapunan ko ito ng tingin at tila nanigas ito sa kinatatayuan niya ng tignan ko ito ng malamig.


"Bakit ko naman kakatakutan ang kaibigan kong si Kamatayan Madam Clay?  Baka ikaw ang dapat matakot sa kanya dahil balita ko isusunod niya ang mga traydor na katulad mo. " matabang na sabi ko.


"You can't kill me,Madam.But i can kill you..right now. " dagdag ko pa. Namula ito sa galit dahil sa sinabi ko  kasabay ng pagpasok ng ilan sa mga tauhan nila.


"Turuan ninyo ng leksyon ang hambog na 'yan." utos niya dito bago sunod sunod na umataki ang mga tauhan nito sa akin. Sinipa ng isang lalaki ang paa ko dahilan para matumba ako mula sa pagkakatayo ko ngunit hindi ko hinayaang mahawakan amo ng mga ito. 

Inilagan ko ang bawat suntok na ibinibigay ng mga ito.Agad na nabaling ang tingin ko sa dalawang babae na sabay inilabas ang kanilang kutsilyo at agad na umataki patungo sa gawi ko. 



"Autumn becareful. " rinig kong sigaw ni Lucas ng muntik na akong tamaan ng kutsilyo ng babae.
Bitch.


Agad kong sinipa ang kamay nito at malakas na tinadyakan kasabay ng pagsuntok ko sa lalaking aataki na sana sa likod ko.  Inilabas ko ang dalawang kutsilyong nakatago sa tagiliran ko simula kanina.
I should play fair. 


Agad kong inataki ang lalaking nasa harap ko at tinamaan ito ng kutsilyo sa mukha dahilan para matumba ito at humiyaw sa sakit. 


"Fuck!" hindi ko mapigilang mapamura ng tamaan nito ang kabilang braso ko.  Agad ba bumuhos ang dugo dito.
Damn!


Agad kong kinuha ang kutsilyong nabitawan ko at walang tigil itong umataki hanggang sa tamaan ko ito sa dibdib niya dahilan para bumagsak ito ng walang buhay.



EAST UNIVERSITYWhere stories live. Discover now