Chapter 6

12.3K 373 8
                                    

Lucas' POV


"Where are you going?" Mabilis kong tanong kay Autumn na tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo at kinuha ang mga gamit niya sa tabi ni Delvalle.


Tumingin naman ito sa akin ng may pagtataka na tila ba hindi makapaniwala na nagtanong ako sa kanya,"She left something on her locker room. Babalikan niya lang, Lucas."sagot ni Rosh sa tanong ko at bumaling dito.


"Go. Bumalik ka kapag tapos ka na,hindi ka pa gaanong nakakakain." Rosh said. Mabilis na naglakad si Autumn palayo sa ami,gusto ko man na pigilan ito dahil sa kahinahinalang lalaki na kanina pa sa kanya nakatingin sa 'di kalayuan ay hindi ko na ginawa dahil siguradong magtataka ang mga taong nasa harap ko ngayon kung bakit ko ito ginawa.Isa pa,mahigpit ang siguridad sa loob ng eskwelahang ito kaya imposibleng may makapasok na ibang tao maliban na lang kung may approval galing sa mga opisyal ng paaralan kaya nasisiguro kong ligtas si Autumn.


Bukod kay Rosh at Amber ay isa ako sa nakakaalam ng totoong pagkatao ni Autumn.Inasahan ko na rin na darating siya sa eskwelahang ito ilang linggo na ang nakararaan dahil ipinaalam na ito sa akin ng kaniyang ama. Kabilang ako sa samahang itinatag ng pamilya ni Autumn, ang Legrand Legacy I've been working at them since i was ten kung saan sinanay nila ako ng matindi sa paraan ng pakikipaglaban,pakikisalamuha at kung ano ano pa.Alam ko ang lahat ng bagay na nangyayari sa pamilya niya, madalas ko ring makita si Autumn no'n kasama ang nakakatandang kapatid na babae nito.I saw her as a child full of happiness in life pero biglang nawala ang masasayang ngiti niya matapos ang nangyari sa ina at kapatid nito,pinasok ang bahay nila no'n at walang awang pinatay ang ina at kapatid niya maging si Autumn ay malala rin ang naging lagay dahil sa tama ng bala at mga saksak na tinamo nito. Isang malaking milagro na lang at nagising ito matapos ang limang buwang pagkakaratay,ngunit kasabay ng pagkagising niya at ang lubusang pagdadalamhati niya sa nangyari sa ina at kapatid niya.I witnessed how terrible she was after that incident,ilang buwan siyang hindi makausap at laging umiiyak ni hindi ito lumalabas ng silid niya, kahit ang mag-amang Legrand ay walang nagawa no'ng mga panahong iyon dahil lahat sila ay nagdadalamhati sa pagkamatay ng mag-ina.

Autumn witnessed how her mother and sister killed by Pentagon pero walang kahit anong binangit ang ama niya tungkol sa Pentagon para na din maprotektahan siya.She was only nine Ten years old ng mangyari ang pagpatay na iyon. Until one day, natapos ang pagluluksa niya pero ibang-iba na siya kumpara sa batang nakilala ko noon,hindi siya nakikipag-usap sa kung kanino man maliban na lang kay Rosh. Pati sa kuya at ama niya ay hindi din siya nakikipag-usap.Nawala ang masayahing Autumn, ang mga matang punong puno ng kaisyahan ay napalitan ng mga matang mapaghiganti paulit ulit niyang tinanong si Mr. Legrand kung sino ang pumatay sa kanila ngunit nanatiling tikom ang bibig ng kaniyang ama tungkol sa totoong dahilan at kung sino ang nasa likod nito.Itinago siya ng mag-amang Legrand at pinalabas na patay na sa mahabang panahon upang maprotektahan siya dahil siguradong hindi titigil ang Pentagon na mapatay siya kapag nalaman nitong may natitira pang babae sa pamilyang Legrand.Iba't ibang apelyido ang ginamit ni Autumn sa sa lahat ng paaralang pinasukan niya pero ni minsan ay hindi ito nagtanong ng dahilan ngunit alam kong maraming tanong ang naglalaro sa isip nito.Matagal ko ng binabantayan si Autumn dahil ipinagkatiwala ito sa akin ni Mr.Legrand,alam niya ang kakayahan ko at malaki ang tiwala nito sa akin. Kung tutuusin ay pareho lang ang gusto namin, ang mapabagsak ang Pentagon dahil katuatulad ng nangyari sa kanila,Pentagon killed my mom at gusto ko silang magbayad sa ginawa nila.


Sa loob ng mahabang panahon ang buong akala namin ay tuluyan na naming naitago ang totoong pagkatao ni Autumn, hanggang sa dumating ang hindi inaasahang pangyayari.Three months ago, muling lumitaw ang mga hayop na 'yon matapos ang ilang taon nilang pagtatago.Nagpadala ng mensahe ang Pentagon na naglalaman ng mga larawan ni Autumn.Alam na nila na buhay pa ang bunsong anak na babae ng Legrang at hindi sila titigil hanggat hindi nila ito napapatay,nagulat ang iilang taong nakakaalam kung paanong nalaman ito ng Pentagon dahil isang malaking sekreto ang katauhan ni Autumn sa mahabang panahon,naging maingay ang buong Legrand Legacy at humihingi sila ng kompirmasyon kung totoo nga ba ito ngunit hindi nagbigay ng kahit anong sagot ni Mr.Simon. Tinipon kami nito at pinulong kung saan napagdesisyunan ng mga Legrand na  ipasok na  ito sa EU. Mr.Simon personally talked to me, at iniutos nito ang mahigpit na pagbabantay kay Autumn, maging si Rosh at Amber ay ganito rin ang trabaho. Mahigpit naming binabantayan ang bawat galaw ni Autumn dahil oras na may mangyaring masama dito ay siguradong magkakagulo ang lahat. Si Autumn na lang ang natitirang dahilan kung bakit nanatiling kalmado ang mga Legrand,oras na mawala si Autumn ay siguradong magkakagulo ang buong underground society at maaaring bumagsak ang samahan.



EAST UNIVERSITYWhere stories live. Discover now