Chapter 22

8.9K 254 10
                                    

Autumn's POV

Kinabukasan,  naabutan ko sa main building ng EU ang lahat na abala sa mga ginagawa nila.  Tatlong araw lang ang ibinigay ng admin para ipagdiwang ang Foundation Anniv. dahil na rin sa darating na pagsusulit sa susunod na araw kaya hindi maaaring patagalin ang mga aktibidad.  Binawasan din ang iba pang sports activities at mas binuksan ang university para sa ibang mga eskwelahang kalahok sa mga aktibidad.


"Autumn. " tawag ni Dwyneth sa akin.  Abala ito sa pag aayos ng stage para sa band performance na gagawin mamayang gabi. Ang ibang officer naman kagaya nila Rosh at Amber at abala sa iba't ibang laro.


"Can you please call kuya Lucas.  Hindi ko kasi siya mahanap.Sila na ang susunod na maglalaro." sabi nito habang inuutusan ang mga katulong niya sa paggawa ng desinyo stage.


"Okay." simpleng sagot ko na lang.  Agad namang ngumiti si Dwyneth bago ito nagpasalamat. 

Kinuha ko ang telepono ko at agad na tinawagan si Lucas ngunit hindi ito sumasagot sa tawag ko. 
Nasaan na ba ang lalaking ito?  Naglibot libot pa ako sa paligid ng EU para mahanap ito at nakasalubong ko si Konan.

"Sinong hinahanap mo?" agad na tanong nito.


"Si Lucas." simpleng sagot ko.


"I saw him with Zoey sa kabilang Gym. " nakangiting sagot nito.


Zoey? 'Yong babaeng humalik at yumakap sa kanya noong nakaraang linggo.


"Doon din ang punta ko.Gusto mong sumabay?" tanong nito.Tumango na lang ako at sumabay sa paglalakad nito.


"How's Dwyeneth?"tanong nito habang naglalakad kami.


"She's fine but she's been busy for the past few days."


"Wala parin talagang pinagbabago ang babaeng 'yon.Inaabuso parin ang sarili niya."naiiling na sabi nito. 


"If you want  to know kung maayos lang siya why don't you ask her by yourself." wika ko.Napangiti na lang ito sa sinabi ko bago umiling.



"She's mad at me sa tingin mo kaya kakausapin niya ako? At isa pa,kapag nakita ako ni Lucas na malapit sa kapatid niya siguradong magwawala 'yon." natatawang sabi nito.



"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ang lahat sa kanila? Ang dahilan ng pagkawala mo. Atleast kahit papaano ay mapatawad ka nila." suhestyon ko dito.Tumigil ito sa paglalakad bago humarap sa akin at ngumiti ng mapait.


"May mga bagay na mas mabuting hindi nila alam para na rin sa kaligtasan nila."Sabi nito.I suddenly remembered Dad. Ganyan na ganyan din ang mga sinasabi niya sa akin.


"Mas mabuti ng hindi niya ako mapatawad kaysa malagay sa panganib ang buhay niya." dagdag pa nito bago pumasok sa gym.


Sinundan ko ng tingin ang papalayong katawan nito. 


"Hindi habang buhay ay maitatago ang katotohanan." mahinang sambit ko at bumuntong hininga bago sumunod dito. 
Naabutan namin sa gym ang iilang player ng EU at si Lucas habang kausap si Zoey sa isang gilid.


Are they really that close para mag-usap sila ng malapitan?Wala man lang social distancing?

Gosh why do i even mad?

"Lucas,someone's looking for you." hiyaw ni Konan dahilan para mabaling ang tingin ng mga ito sa akin.Nakita ko na nadito rin si Duke at Yohan maging si Miggy at Gab. 

EAST UNIVERSITYWhere stories live. Discover now