Epilogue

9.3K 209 22
                                    

Autumn's POV

Lahat ng kuwento may katapusan, may mga taong parte nito ang nawala at hindi na maibabalik pa kahit gustuhin nating muling makasama sila. Ang tanging magagawa na lang natin ay tanggapin ang mga nangyari at muling bumangon mula sa pagkakalugmok natin dahil ito ang pagkakataonh ibinigay sa atin.

Chances are given not just to make things right but are given to prove that we could be better after the fall.


Dahan-dahan kong inilapag ang dala  kong bulaklak sa puntod nila,"Kumusta na kayo diyan? Ang daya ninyo,dapat hindi ninyo ako iniwan." may mumunting luha na pumatak mula sa aking mga mata at napangiti nang maalala ang masasayang sandali na kasama ko sila.


"Miss na miss ko na kayo. I hope you're happy now. " mahinang sambit ko.

"Autumn! "


"Sweetie." napalingon ako sa dalawang lalaking tumawag sa akin at napangiti nang makita ang mga ito.


"Dad. " bati ko  at yumakap.Agad namang may brasong pumulupot sa aking beywang at nilingon ko ang nakangiting si Lucas.


"I thought you have an event today? " nakangiting tanong ko. 


"I cancelled it.  Mahalaga ang araw na ito para sayo kaya dapat lang na nasa tabi mo ako. " sagot nito at masuyo akong hinalikan sa noo.


Ilang buwan na rin simula ng mangyari ang aksidenteng halos magpaguho ng mundo ko.  Ang buong akala ko ay maiiwan na naman akong mag-isa ngunit labis ang pasasalamat ko na hindi ito nangyari. Naging maayos ang operasyon ni Dad at Lucas at madali itong nakarecover.  Masasabi kong magaling nga ang mga doctor na nag ligtas sa kanila.  Nang sabihin ng nurse noong operasyon nila na may mali sa isang pasyente ay buong akala ko ay may mawawala na sa akin, mabuti na lang at may naging mali lang pala sa oxygen ni Dad noon. 


"Dad,  hindi ba pupunta si Kuya?"tanong ko kay Dad na nililinisan ang puntod ni Mama at Ate.  Nagtaka rin ako kung bakit isang bulaklak lang ang dala nito.  Usually ay dalawang bulaklak ang dala nito kapag bumibisita siya sa puntod nila.



"Nauna na rito ang kuya mo kanina.  Bumalik siya agad dahil susunduin niya sa Airport si Yuan. " sagot ni Dad.
Matapos ang operasyon ay naging maayos din ang lagay ni Kuya at madali din itong nakarecover. Ilang araw din siyang binantayan ni Kuya Yuan pero nakatanggap ito ng tawag mula sa Hospital na pinagtatrabahuhan niya sa america kaya naman ay bumalik muna ito. Ilang buwan na rin itong hindi umuuwi at ang sabi ni Dad ay darating daw ito ngayon. 


"Iha,  mauna na kayong umuwi.  May gagawin lang ako sandali." sabi ni Dad. 


"Tito, mauna na ho kami. " paalam ni Lucas bago hinawakan ang kamay ko.


"Ingatan mo ang anak ko Lucas." utos ni Dad sumaludo naman ito kay Dad bago kami naunang naglakad paalis.


"Hindi ka ba takot kay Dad?" natatawamg tanong ko dito. 


"I am. Pero nawawala ang takot ko dahil sa pagmamahal ko sayo." nakangiting sabi nito. 
Nag-init naman ang pakiramdam ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Isang buwan na rin simula ng sagutin ko ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa pagiging malambing niya. 

He's really different from the Lucas I've met a year ago. 


"Daan muna tayo sa EU.  Sir Shaun wants to talk to me." sabi ko ng makasakay na kami sa sasakyan nito. 


"Oh? Looks lile you maintained your position." I said smiling.


"Siguradong magwawala na naman 'yon si Seven. " I added.


EAST UNIVERSITYWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu