Chapter 27

8.3K 237 11
                                    

Autumn's POV

"I want you to have a normal life pero 'yon ang bagay na hindi namin naibigay sainyo ng mama mo." tuluyan na namang tumulo ang luha ko nang sa wakas ay magsalita si Dad.


"My grandfather was a part not just a part but a head of a secret underground organization before.  After he died ipinasa niya ang pamumuno sa ama ko. Katulad ng nakagawian, ipinapasa ng ama ang pamumuno nito sa panganay na anak na lalaki kaya naman sa akin napunta ang pagiging head ng underground society at ng Legrand Legacy." He continued.


"Underground society, ibang lugar kung saan naiiba sa nakagiwaang kultura ng mga tao. We're doing different businesses whether it is illegal or legal. Hindi hawak ng gobyerno ang lugar na ito at hindi sila maaaring makialam dahil paniguradong magkakagulo at nakalagay din ito sa kasunduan ng bawat partido. Sa loob ng Underground society ay nabuo ang ibat-ibang samahan simula ng magkaroon ng alitan sa pagitan ng Lolo mo at ng pinuno noon ng Pentagon. Nabuo ang Legrand Legacy, kung saan naging trabaho ng bawat isa sa miyembro ang pagpapanatili ng kaayusan at pagtugis sa bawat miyembro ng Pentagon na siyang sumisira sa katahimikan ng bansa.  Maliban dito ay kumukuha din ng misyon ang mga agent ng Legrand Legacy lalo na sa mga krimen o bagay na hindi na kayang gawan ng paraan ng mga otoridad." mahabang paliwanag nito.  Hindi ako nagsalita at nanatiling nakikinig sa mga sasabihin pa ni Dad. But i am shocked hearing those things from him.



"Gaya ng sinabi ko, matagal ng may alitan ang mga Legrand at ang pinuno ng Pentagon. Sinisi ng pinuno nila ang great grandfather ninyo kung bakit namatay ang asawa at anak na babae nito, duon nagsimula ang pagpatay ng Pentagon sa bawat babaeng miyembro ng Legrand. Katulad ng Legrand ay hindi din basta basta ang koneksyon at kapangyarihan ng Pentagon kaya mas madali sa kanina na napatay ang mga babae sa Legrand. Your grandmother died because of Pentagon maging ang mga tita ninyo. Hindi natigil ang gantihan ng dalawang grupo hangang sa kasalukuyan." paliwanag di Dad.  Natulala na lang ako sa mga naririnig ko at hindi ako makapaniwala na ganito kalaki ang gulo ng pamilya namin. 



"Ang mama ninyo." sandaling tumigil si Dad bago nag simula muli magsalita.
"She's was a Senior Police officer bago pa man kami magkakilala.  But unfortunately she was framed up at nawala sa trabaho niya dahil sa pag iimbestiga niya sa Pentagon.Noong panahong 'yun nakilala ko siya.  I offered her to work under Legrand Legacy dahil alam kong hindi lang basta-basta ang kakayahan niya at malaking kawalan siya sa kanyang trabaho.  As much as i want ayokong nagkaroon ng kahit anong intimate relationship sa mama ninyo dahil ayokong madamay siya sa galit ng Pentagon but unfortunately we both fell inlove with each other. " makikita ang saya sa mata ni Dad habang inaalala ang nakaraan nila ni Mom. I suddenly missed her.


"Nang malaman ng Pentagon ang koneksyon ko sa mama mo ay nagsimula silang pagbantaan ang buhay niya at ginawa ko ang lahat maprotektahan lang siya. Her parents was against our relationship  maging ang mga kapatid niya pero ipinaglaban niya ako hanggang sa magkaroon kami ng tatlong angel sa buhay namin. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang masaktan kayo,lalo na kayo ng ate mo. Ginawa namin ng mommy mo ang lahat maging normal lang ang buhay ninyo at hindi sinabi sainyo ang katotohanan maliban na lang sa kuya mo. Bata pa lang si Night ay alam na niya ang totoong pagkatao ng pamilya natin dahil kailangan niya yung malaman pero kayo ng ate mo ay wala dapat malaman na totoo kaya itinago namin sainyo Ang buong akala ko ay maayos na ang lahat dahil lumaki kayo ng ate mo na hindi inaataki ng Pentagon ngunit nagkamali ako. Naghihintay  lang pala sila ng tamang pagkakataon para mapatay kayo." pumikit sandali si Dad at ikinuyom ang kamao. Makikita ang galit sa mukha nito. 


"Nang gabing iyon, nasaksihan mo ang bagay na hindi mo dapat nakita.  You've witnessed how your mother and sister died infront of you at halos mag-agaw buhay ka na din. Nang maabutan ko kayo sa bahay na wala ng buhay gumuho ang mundo ko. Halos mabaliw kami ng kapatid mo dahil sa nangyari sainyo. Ilang beses akong nagmakaawa na sana buhay pa kayong tatlo pero wala ng nagawa ang mga doctor maliban na lang ang mailigtas ka.Ang buong akala ng lahat ay patay ka na dahil sa saksak na natamo mo pero himalang nabuhay ka." may pumatak na mumunting luha sa mga mata ni Dad.
I saw him that time before i lost my consciousness. I saw him in pain begging my mom and sister to wake up but they didn't.


EAST UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon