Chapter 21

8.8K 270 6
                                    

Kross' POV

"May mga nakalimutan akong ipakuha kina Lucas kahapon,'yong mga designs pa naman na kailangang kailangan natin ang nakalimutan ko. Kailangan mo silang makuha before mag 8 pm" paliwanag ni Ms.Clay habang inililista ang mga bagay nalukunin ko sa shop na sinasabi nito.


"Dumaan ka na rin sa grocery store at bilhin mo ang mga 'yan. " dagdag pa nito bago ibinigay sa akin ang mga listahan.


"Is that all,Ms.Clay?" Tanong ko.


"Yes.may tao akong ipinatawag para sumama sayo." Aniya kasabay nito ang pagbukas ng silid ng opisina at iniluwa si Autumn. Agad na sumama ang tingin nito ng makita ako.


What the hell is that for?

"Good thing nandito ka na, Ms. Maniego. " nakangiting sabi ni Ms. Clay.

"Pinatawag niyo daw ho ako? "

"You'll have your punishment now dahil sa ginawa mong paglabas sa University." panimula ni Ms.Clay bagay na hindi na ikinagulat ni Autumn.


"Naiintindihan mo naman siguro diba?  Linabag mo ang isa sa mga rules kaya kailangan mong maparusahan. " dadag pa ni Ms. Clay.  tumango naman si Autumn sa sinabi nito.

"Good.  I want you to help Kross to get those things na gagamitin natin bukas. " utos nito. 


Hindi pwedeng lumabas si Autumn, delikado para sa kanya.


"Ms. Clay.  I can handle it. I don't need any help. " dahilan ko kay Ms. Clay.  Alam niya naman siguro ang rason kung bakit hindi ko pwedeng isama si Autumn hindi ba?


"No.She will help you. "


"But Ms. Clay-"


"Stop complaining.Hindi ko rin naman gustong tumulong sayo but i have no choice so just shut up! " masama ang tingin na sabi nito.

She doesn't understand. Hindi malayong mangyari ang nangyaring pag ataki sa kanila kahapon kung lalabas siya ng University.


"Sa labas mo na lang hintayin si Kross, Iha. I'll talk to him for a while. " utos ni Ms. Clay bago lumabas si Autumn.


"Ms. Clay alam mo namang delikado sa kanya ang lumabas ng EU hindi ba? " nag-aalalang tanong mo dito.


"Nakausap ko na si Night at Lucas.  they all agree na bigyan ng punishment si Autumn at alam na rin nila ang tungkol dito.  Kapag hindi natin siya binigyan ng punishment ay magtataka ang batang 'yan kung bakit pinapaboran natin siya. Matalino si Autumn, she can easily know kung may mali sa paligid niya. " dagdag pa nito. 



"At isa pa,may mga tao ang Legrand na  nasa palagid ninyo oras na lumabas kayo ng University. Kaya h'wag ka ng mag-alala pa."dagdag pa nito na ikinahinga ko ng maluwag.


"Bring your gun incase of emergency. " bilin pa nito bago ako lumabas kung saan naabutan ko si Autumn na nakasimangot.


"Let's go. " sabi ko.



"Don't talk to me kung hindi naman mahalaga.I hate noisy people.  At huwag ka ring makikiaalam sa akin para maayos tayo. " walang ganang sabi nito bago naunang naglakad palabas. 
Huminga ako ng maluwag.

Paano ko ba pakimisamahan ang malditang ito?!

Buong byahe ay walang imik si Autumn, hindi ko rin ito kinausap kagaya ng gusto nito hanggang sa makarating kami sa address na ibinigay ni Ms. Clay ay hindi ito nagsalita at tumulong lang sa mga gamit na kailangan naming makuha na gagamitin bukas.

EAST UNIVERSITYWhere stories live. Discover now