Chapter 24

8.4K 251 17
                                    

Autumn's POV


"Autumn, pahiram ng phone. " inis kong nilingon si Seven na kanina pa nangungulit sa akin.



"Bilis na.Maglalaro lang ako. " dagdag pa nito habang nakahawak sa braso ko. Sa loob ng ilang buwang pananatili ko rito ay naging malapit na rin ako sa bawat isa sa kanila since wala naman silang ipinapakitang masama sa akin.


"Anong akala mo sa cellphone ko? Laruan? "asik ko dito.Sumimangot lang ito sa sinabi ko at patuloy na nangulit.


"Leave her alone,Seven." Lsaway ni Kross na abala sa cellphone niya. Naging maayos na rin ang samahan nila kahit papaano maliban na lang kay Lucas na mainit pa din ang dugo kay Kross. 

Speaking of Lucas,  nasaan na naman kaya ang lalaking 'yon?
Dali-daling lumapit si Seven kay Kross at sinubukang agawin ang telepono nito ngunit agad naman itong nailayo ni Kross. 


"Get lost,Vixto. "asik ni Kross

"You'll gonna miss when I'm gone. " sagot naman ni Seven habang sumasayaw sayaw. 


"Can you shut the hell up for a minute,Seven?" hiyaw ni Konan na abala sa kanyang binabasa.


"Kahit basahahin mo pa ang buong libro sa bansa at sa buong mundo hindi ka pa rin kakausapin ni Dwyneth. "
pang-aasar ni Seven dito na ikinasama ng mukha ni Konan. Hindi padin kasi ito kinakausap ni Dwyn kahit anong pilit nito.


"Balita ko madaming nagkakagusto kay Dwenyth sa Engineering department. " dagdag pa ni Duke sa sinabi ni Seven.  Mukhang pagkakaisahan na naman ng mga ito si Konan.


"At balita ko wala ring problema kay Lucas." dagdag pa ni Raiko.


"Maganda naman kasi si Dwyneth. Gago lang talaga ang isa dyan at iniwan." nakangising sabi ni Miggy.


"Ligawan ko kaya? " mapang-asar na sabi ni Yohan na nakatangap ng matalim na tingin mula kay Konan.


"What did you just say? "mapagbantang tanong ni Konan dito.  Natatawang itinaas ni Yohan ang dalawang kamay niya.


"Chill.  Nagbibiro lang ako.  Wala naman akong balak maging manugang si Lucas. " 


"Tama na 'yan,  baka umiyak 'yan. " pang-aasar pa ni Kazuya.


"Fuck you! " hiyaw sa kanila ni Konan na halatang napipikon na sa mga sinasabi ng mga ito. Humalakhak lang ang mga ito sa naging reaksyon ni Konan. 


"They really know how to annoy Konan." naiiling na wika ni Amber at lumapit   sa akin at iniabot ang isang libro.


"Page 53 ang naka assign sayo.Let's decide kung ano ang gagawin after you read the chapters." wika nito sa akin.  I almost forgot,  madami pala kaming gagawing paper works. Tumango na lang ako sa sinabi nito bago ito bumalik sa kanyang upuan.


"Autumn, someone is looking for you." imporma ng isa naming kamag-aral kasabay ng pagpasok ng isang sophomore student.



"Theo." Bati ko.  Nakilala ko na ito noong nakaraang araw dahil kay Lucas.  Nalaman ko na magkaibigan din ang dalawa. Mukhang kilala naman ito ng mga tao sa loob ng silid dahil tinanguan nila ito.


"Pinabibigay po ni Ms. Zoey. " nakangiting wika nito kasabay ng pag-abot ng isang box ng cookies. Nagtataka man ay kinuha ko ito.


"Tell her na maraming salamat." Saad  ko bago ito umalis. Simula ng malaman kong pinsan ni Lucas si Zoey ay hindi na ito tumigil sa pagbibigay sa akin ng kung ano-ano.  Zoey is kind pero may pagkamaldita rin paminsan minsan.
Agad na inagaw ni Seven ang box cookies mula sa kamay ko at sinimulang buksan. Naiiling na lang hinayaan ko ang mga itong kainin ang cookies dahil hindi naman ako mahilig sa ganitong pagkain. Makalipas lang ang ilang minuto ay may naghahanap na naman sa akin.


EAST UNIVERSITYWhere stories live. Discover now