Chapter 8

11.4K 350 29
                                    

Autumn's POV

ILANG linggo na rin ang nakalipas simula ng makatangap ako muli ng pagbabanta galing sa Pentagon. Base na din sa inilagay nilang pagkakakilanlan nila sa sulat. Matapos ito ay dalawang beses pa akong nakatangap ng box na minsan ay sa mismong pinto pa ng silid ko iniiwan. 


Ilang linggo na din akong nag-iisip at naghahanap ng bakas na maaaring makapagturo sa akin kung sino nga ba sila at kung ano ang pagkatao nila at kung totoo nga bang may kaugnayan ito sa pagkamatay ni Mama at Ate.
Gusto kong malaman kung bakit nila ginagawa ito sa amin at kung anong kasalan namin para patayin sila ng walang awa. Gusto kong makuha ang hustiya sa pagkamatay nila. Ilang beses kong tinanong kina Dad at Kuya ang tungkol sa nangyari kay mom at ate pero para ni isang detalye wala silang sinabi na totoo.Alam kong may mga itinatago sila sa akin at hindi lang basta-basta kaaway sa negosyo ang nay gawa nito.


Ilang taon na akong nag-iimbestiga at sa loob ng maraming taon na 'yon ay marami akong nalaman na konektado sa pamilya ko at sa pagkamatay nila mama. Akala ko no'ng una ay nagkataon lang na taon taong namamatay na babae na miyebro ng Legrand o konektado sa Legrand ngunit nang pinagtagpi tagpi ko ang nangyari at may kakaiba akong nadiskubre. Pareho ang dahilan ng pagkatamatay nila mula sa Lola ko at sa mga kapatid na babae ni Papa hanggang sa asawa ng mga kapatid niyang lalaki at sa mga anak na babae nito. Lahat sila ay pinatay pero ang sinabi nilang dahilan ay aksidente lamang o kaya naman may kaaway sa politika o sa negosyo bagay na hindi kapanipaniwala. Kaming tatlo na lang ang natitirang babaeng Legrand no'ng mga panahong iyon pero isang araw ay pinasok ang mansyon namin ay walang awa nilang pinatay si Ate at Mama.  Malubha rin ang tinamong saksak ko at sabi ng doctor ay isang himala na lamang na nabuhay ako. Pagkatapos ng nangyaring 'yon ay ipinadala ako ni Dad aa malayong lugar na tanging ang katulong naming si Yaya Lea lang ang kasama ko. Nag-aral ako sa iba't- ibang paaralan gamit ang hindi ko totoong pangalan,minsan lang akong tawagan ni Papa o kahit ni Kuya man lang at tanging si Rosh lang ang nakikita ko no'n  hindi rin ako nagtatagal sa mga paaralang pinapasukan ko dahil palagi akong napapasok sa gulo hanggang isang araw napagdesisyunan na lang nilang ipasok ako sa eskwelahang ito bagay na hindi ko gaanong maintidihan. Bakit nila ako ipapasok sa isang mamahaling eskwelahan? Napapadalas na rin ang pagkausap sa akin ni Dad na hindi naman nangyari no'n. Tapos ngayon ay nakatatanggap na ako ng ganitong sulat bagay na naisip kong konektado sa nangyayari no'n.



"Ayos ka lang Autumn? You look sick. " wika ng isa sa mga kaklase ko na si Mira. Tumango lang ako sa nanging tanong nito.Kahapon pa hindi maganda ang pakiramdam ko dahil sa ilang araw na rin akong walang maayos na tulog dahil sa mga bagay na pinagkakaabalahan mo.



"Magsabi ka lang kung masama ang pakiramdam mo.Sasamahan kita sa clinic. " dagdag pa nito na



Isinandal ko ang katawan ko sa upuan at marahang pumikit, "What's wrong? Are you okay Autumn?" tanong naman ni Amber na hind ko man lang namalayang o naramdaman man lang ang paglapit.



"I'm okay."hindi na ako nag-abala pang imulat ang mga mata ko.


"You look pale. " dagdag pa nito.



"I'm fine. Magsasabi ako kung masama ang pakiramdam ko." walang ganang wika ko.  Hindi talaga ako sanay na may taong nag-aalala sa akin kaya minsan hindi nagiging maganda ang ugali ko pagdating sa mga bagay na ganito. Wala nang nagawa ang dalawa at bumalik na lang sa pagkakaupo nila habang ako naman ay isinubsob ang ulo ko sa upuan upang imidlip kahit ilang minuto lang.
Ilang minuto na akong naka idlip ng biglang may kumalabit sa akin. Inis kong iniangat ang ulo ko upang tignan ang kung sino mang pangahas na gumising sa akin. Mas lalong nalukot ang mukha ko ng makitang si Kross Miller—ang lalaking gumising sa akin.



EAST UNIVERSITYWhere stories live. Discover now