chapter 23

8.7K 182 5
                                    

Lucas' POV

Tumiim ang mga bagang ko ng makita ko kaninang dumadaing sa sakit si Autumn dahil sa nangyari dito. Naging pabaya ako kaya nangyari sa kanya ang bagay na 'yon. Hindi ko dapat ipinagsawalang bahala posibilidad na aataki nga ang Pentagon sa oras na 'yon.  Ang buong akala namin ay hindi ay hindi na mangyayari ang plano ng mga ito no'ng unang araw ng foundation anniversary dahil nawala rin bigla ang dalawang estudyanteng pinaghihinalaan nina Konan. Mukhang nagbago ang plano nila na atakihin si Autumn no'ng nakaraang araw at mukhang nalaman din nila ang plano namin laban sa kanila.
Hindi dapat kami naging kampante no'ng araw na 'yon. Ilang beses pa bang malalagay sa kapahamakan ang buhay ni Autumn?


Nang mapansin kong malalim na ang paghinga niya ay saglit akong lumabas sa silid nito para kausapin sina Konan at Amber.



"How is she? " Amber asked.


"Maayos na ang pakiramdam niya.She's sleeping. "



"Naisahan nila tayo.  We didn't know na aataki sila kay Autumn kasabay ng pag ataki namin sa kanila at hindi rin natin inakala na may taong labas na aataki rin." mababakas ang inis sa salita ni Konan.


"How's the plan?"I asked


"Nahuli namin ang ilan sa mga umataki kay Autumn pero wala ang dalawang estudyanteng hinahanap namin maging ang lalaking tinutukoy mong tumutok ng baril sa kanya.Patuloy ang pag-iimbestigang gagawin namin dahil mukhang marami ang tauhan ng Pentagon ang nasa loob nv University at matagal ng nanatili. " paliwanag ni Zoey.



"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko dahil hindi ko maunawaa ang sinasabi nito.



"Bukod sa dalawang mag-aaaral na 'yon ay matagal na ring estudyante ng EU ang mga napatay ni Autumn." Si Theo ang sumagot.



"Mukhang inaasahan na nila na kapag sinimulan nilang kumilos ay tiyak na dito sa EU ipapasok ni Tito Simon si Autumn at mukhang hindi nga sila nagkamali sa bagay na iyon kaya hindi natin napansin na matagal ng may nagmamanman kay Autumn sa loob ng EU bago pa man lumipat ang mga transferre noong mga nakaraang linggo. " dagdag pa ni Konan.


Ikinuyom ko ang mga kamao ko. Ang ibig sabihin lang nito ay matagal ng nakaplano ang Pentagon sa bawat galaw nila para mapatay si Autumn.




"We need to find them. Kung kailangang isa-isahin natin ang mga estudyante ng EU ay gagawin natin. " matigas kong sabi.



"Mahihirapan tayong alamin kung sino ang Pentagon at ang hindi dahil wala tayong pagkakakilanlan sa kanila. " wika ni Amber.



"She's right.  Matatagalan tayo kapag nagkataon. " sang-ayon naman ni Zoey.  Sandali akong natigilan sa sinabi nito at naalala ang sinabi ni Autumn.



"May nabangit si Autumn tungkol sa mga taong nagbabanta sa buhay niya.  Nabangit niya na lahat ng taong ito maging ang pumatay sa mama niya ay may tattoo pero hindi niya nabangit kung anong klaseng tattoo iyon."Saad ko. Nagkatinginan naman sila na tila pareho ang naiisip. 



"We need to talk to Tito Simon and Night tungkol dito. Dahil siguradong may alam sila sa bagay na iyan. " suhestyon ni Konan.



"Kayo ng bahala sa pakikipag-usap sa kanila.  Hindi ko puwedeng iwanan si Autumn." ani ko. Tumango naman ang mga ito bago umalis habang naiwan si Konan na may balak pa atang sabihin


"What?" irita kong tanong.



"Alam kong matindi ang galit mo sa akin at gusto ko lang sabihin na nagpapasalamat ako sa pagprotekta mo sa pinsan ko. " seryosong saad nito.

EAST UNIVERSITYWhere stories live. Discover now