Chapter 16

9.1K 238 5
                                    

Autumn's POV


"LUCAS! " natigil ang pag-uusap namin ng biglang may sumigaw mula sa pinto.
Kasabay nito ang pagpasok ng isang may katangkaran at mistisang babae.  Lumapit ito kay Lucas at walang sabi sabing hinalikan nito si Lucas sa gilid ng kaniyang labi at niyakap.


"I missed you. " malambing na wika ng babae nang bumitaw ito sa pagkakayakap. Ilang minuto rin akong nagulat sa nakita ko ngunit agad naman akong nakabawi.


Lucas was also shocked,"What are you doing here?  Kailan ka pa dumating?" Sunod-sunod nitong tanong.


"Last week,isa ako sa mga transferee. Masyado lang akong naginf busy kaya hindi kita napunantahan.  Don't be mad,babe. " malambing na wika nito na yumakap muli kay Lucas ngunit agad naman na inilayo ni Lucas ang kanyang sarili rito.


Babe?  Is she Lucas girlfriend?


"Damn it, Zoey. " inis na wika nito.  Nagbago ang expresyon ng mukha ng babae sa sinabi nito. Tinapuan ako ng tingin ng babae at masama ako nitong tinignan.

Sinalubong ko ang masamang tingin nito.
Hindi isang katulad mo ang magpapatiklop sa akin.


"We need to talk, Lucas. " seryosong wika nito kay Lucas habang nakatingin padin sa akin. Bumalik ang tingin nito kay Lucas at naunang naglakad palabas.


"Fuck. " mahinang mura ni Lucas bago ito bumaling sa akin.


"I'll talk to you later. " wika nito.  Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito at naupo na lang sa upuan ko bago nito sinundan ang babae.


Who the hell is that girl? Lucas didn't even think twice and follow that witch right away.


Anyway, bakit ba ako nagagalit?


"Hoy! " inis kong tinignan ang pangahas na kumalabit sa akin.


"What's with that face?  Wala pa naman akong ginawaga pero kung makatingin ka parang anytime papatayin mo na ako." nakangising wika ni Kross na mas nakadagdag sa inis ko.


"Mukha mo palang nakikita ko naiinis na ako.  Paano pa kaya kung may gawin,malamang sa malamang mapatay talaga kita. " sarkastikong sagot ko rito.  Nanlalaki ang mga mata nito na tila hindi makapaniwala sa narinig nito mula sa akin.



"Why are you too kind to everyone pero pagdating sa akin hindi?" reklamo nito.


"Don't ask.  Naiinis lang talaga ako sa pagmumukha mo. " asik ko at tumayo.
"I think you have a crush on me kaya ganyan ka na lang umasta para mapansin kita." agad akong tumigil sa paglalakad at nilingon ang lalaking sumusunod sa akin. 

"Miller. " wika ko habang nakatingin ng seryoso dito.  Nakita kong kinabahan ito sa pagbanggit ko ng apelyido niya.


"You better consult a doctor. " dagdag ko pa habang nakatingin dito. Tila nagtataka naman ang mga mata nito at nagtanong.



"Why would i?  Wala naman akong sakit at  Don't worry about me. " sagot nito na may ngiti sa mga labi.


"Dude, I'm not worrying about you. Sa tingin ko ay kailangan mo na talagang magpakonsulta sa doctor dahil parang maluwag na ang tornilyo sa utak mo." Asik ko dito at tinalikuran.


"Autumn!" sigaw nito habang sumusunod padin sa akin.



Kailan ba ako titigilan ng pisting ito?


"Shut up, Kross.  Kapag sumunod ka pa tatamaan ka na talaga sa akin." pagbabanta ko rito. Agad naman itong tumigil sa paglalakad at hindi na sumunod pa sa akin.


EAST UNIVERSITYWhere stories live. Discover now