Chapter 18

8.8K 253 1
                                    

Autumn's POV


ALAS SAIS pa lang ng madaling araw ay lumbas na ako sa aking silid. May ako pasok ngayon pero napag desisyonan kong lumiban muna ngayong araw. Ilang araw ko na ring pinag-isipan ito at buo na ang desiyon ko. Kinakailangan kong umuwi sa mansyon pansamantala dahil siguradong may makukuha akong sagot sa lahat ng katanungang naglalaro sa isipan ko ngayon.Alam ko ring isa sa sa ipinagbabawal ay ang paglabas ng EU lalong lalo na kung walang pagpayag mula sa Admin ng university pero hindi naman siguro ako mahuhuli unless kung may magsusumbong.


"Where are you going?" agad na tanong ni Kross ng makita ako nitong nasa labas ng silid ko.



"Hindi ka ba papasok? " dagdag pa nito.


"I'm not feeling well so I'll stay in my dorm for the mean time."agad na dahilan ko. Mabuti na lamang at tanging telepono at wallet lamang ang dala ko kaya hindi nito mapapansin na may balak akong lumabas ng silid.


"What? What's wrong with you? Are you sick? Dalhin na kaya kita sa clinic." Sunod sunod na sabi nito.


I rolled my eyes, "Pwede ba Kross, huwag kang madaming tanong. " asar na wika ko dito.  Hindi ko alam pero mainit talaga ang dugo ko sa lalaking ito. 


"I'm just asking ,Maniego. " sago naman nito.


"Stop asking and don't ruin my morning. " asik ko dito bago tinalikuran ito at pabagsak na isinara ang pinto ng silid ko.



Nang masiguro kong tuluyan ng umalis si Kross ay nagnamadali akong lumabas ng aking silid.Wala pang masyadong tao sa labas dahil maaga pa kaya maman ay madali akong nakalabas ng University mula sa likod na gate nito dahil wala pang nagbabantay dito.Inayos ko ang sumbrerong suot ko at isinuot ang mask upang matakpan ang mukha ko at nagpatuloy sa paglalakad na normal na teenager lang.



Agad akong pumara ng sasakyan at sumakay dito,"Manong,  sa Legacy Village po." wika ko sa driver na agad naman nitong pinaandar ang sasakyan.  May kalayuan ang lugar kung saan naro'n ang mansyon namin at tumagal ito ng ilang oras bago kami nakarating sa village.


Ibinaba ako nito sa entrance ng village dahil hindi na maaaring pumasok pa ang sasakyan,isa pa ay masyadong mahigpit ang security dito kaya imposibleng makapasok ito ng hindi dumadaan sa inspeksyon.


"Lady Autumn! " tila nagulat ang lalaking nagbabantay sa entrance ng Village nang makita ako nito.Isa ang bantay na ito sa iilang taong nakakakilala sa akin bilang anak na babae ng isang Simon Legrand. Matagal na itong nagtatrabaho sa pamilya namin at malaki rin ang utang na loob nito sa ama ko na kahit buhay niya ay handa niyang isakripisyo. Isa rin ito sa nakaligtas ng sumugod ang mga taong 'yon sa mansyon ilang taon na ang nakararaan na naging dahilan kung bakit namatay si Mama at Ate. Isa rin ito sa pinagkakatiwalaang tao ni Dad.


"Kuya Peter. " bati ko dito. Ngumiti naman ito sa akin at pinapasok ako sa main gate ng subdivision.



"Kumusta na po? " nakangiting tanong nito.


"Buhay pa naman ,kuya Peter." sagot ko na ikinangiti nito. 



"Hind ka parin nagbabago,Lady Autumn." Saad nito. Nginitian ko na lang ito at sumunod patungo sa mansyon. Tumigil kami sa tapat ng isa sa may pinakamalaking bahay sa Village. 


Matiim kong pinagmasdan ang bahay na kinalakihan ko at naging saksi ng kasayahan ko at ang bahay na naging saksi ng kamatayan ng Mama at kapatid ko at ng matinding sakit na ilang taong kong naramdaman. 


Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko.Hindi ako pumunta rito para balikan ang mga alaalang dapat matagal ko nang ibinaon.


EAST UNIVERSITYWhere stories live. Discover now