Chapter 15

10K 272 8
                                    

Autumn's POV


"Autumn!" nagising ako mula sa pagkakakaidlip dahil sa sigaw ng kung sino mang pangahas na sumigaw pa malapit sa aking tenga.


Iniangat ko ang aking ulo at tinignan ng masama ang kung sino mang anak ni satanas na istorbo sa pagtulog ko. Ang nakangiting muka ni Rosh ang bumungad sa akin na mas lalong nakapagpainit ng ulo ko.



"What do you want? Siguraduhin mong may kwenta ang sasabihin mo para istorbohin ang pagtulog ko." malamig na wika ko. Hindi nakagalaw si Rosh sa kinatatayuan nito, alam niya kasing ayaw na ayaw kong ginigising kapg nagtutulog ako at ang lakas ng loob niya ngayon para gawin ito sa unang pagkakataon.



"Ah. Ano.  Kasi. " kinakabahang wika nito.



I glared at him, "What?" kinakabahan itong tumingin sa gawi ni Amber at Lucas na nasa likod niya at tila humihingi ng tulong pero hindi ito pinansin ng dalawa.


"Don't make me repeat myself,Rosh."babala ko.



"Alam mo naman siguro kung ano ang pinakaayaw ko hindi ba? " matiim ko itong tinitigan. 



Huminga ito ng malalim at sinalubong ang mga tingin ko,"Okay! I'm sorry for disturbing your sleep.But this is urgent." para bang hinahabol ito sa bilis niyang magsalita.




"What is it?" I asked in annoyance
"Not what,but who."saad nito na ikinakunot ng noo ko.



"Someone wants to talk to you. " Ani nito bago pa man ako makapagsalitang muli.



"Who?" i asked blankly.
"Your father." mahinang sabi nito na para bang iniiwasan niyang may ibang makaranig. Tumingin ako sa paligid namin at lihim na nagpasalamat dahil wala ang atensyon ng lahat sa amin maging nina Lucas. Mabuti na lang at hininaan ni Rosh ang boses niya dahil hindi maaaring malaman ng mga taong ito kung sino ba talaga ako .




"Where is he? " mahinang tanong ko at tumayo mula sa pagkakaupo. 


"Admin office." agad ko itong tinalikuran at naglakad palabas ng silid.


"Where are you going?" Lucas asked.



"Somewhere. No need to follow me. Rosh will accompany me." Sagot ko at hindi na nilingon ito bago tuluyang labas ng silid at nagtungo sa opisina ng admin.
What is he doing here? Ito ang unang pagkakataon na pinuntahan ako ng taong ito sa eskwelahan ko.  Ang akala ko ba ay dapat walang makaalam ng koneksyon ko sa kanya?


Hindi na ako nag-abalang kumatok pa at dumiretso sa loob ng admin office kung saan naabutan ko itong nakaupo silya.


"What brings you here? " agad na tanong ko rito.


Umangat ang tingin nito at tinignan ako ng seryoso. Simula ng mamatay si mama at ate ay naging malayo ang loob ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay madami siyang itinatago sa akin. Hindi ko rin naramdaman ang pagmamahal nito bilang ama,pakiramdam ko ay sinisisi ako nito sa pagkamatay ni Mama at Ate and i've been asking him also about the incident pero wala siyang sinasabi sa akin hanggang sa dumating na lang ang araw na napagod na ako sa kakatanong kaya ako na mismo ang naghanap ng sagot sa mga tanong ko.



"Masama bang bisitahin ang anak ko? " puno ng otoridad ang boses nito.


Napangiti ako ng mapait.  It's been a while.  It's been a while since i heard him saying that I'm his child.


"Don't make me laugh, Sir. " sarkastikong wika ko dito. 
I've never called him father since that day at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mgawang tawagin siya sa mga salitang iyon.


EAST UNIVERSITYWhere stories live. Discover now