Chapter 2

14.8K 433 7
                                    

Autumn's POV

Tumagal din ng isa't kalahating oras ang klase namin sa unang subject at kanina ay napansin ko ang ilang beses na pag sulyap sa gawi ko ng babaeng pumasok kanina na nagngangalang Amber Yagami,napansin ko rin na nakasuot ito ng Gold necktie ibig sabihin ay isa siya sa lima na natataking estudyante na tinutukoy ni Dywneth kanina.Ano  bang mayroon sa mga estudyante sa paralang ito at sa ranking na sinasabi nila?Hindi ko na dapat pinagtutuonan ng pansin ang mga ganitong walang kwentang bagay pero hindi maalis sa isip ko ang mga rason sa likod ng mga bagay ba ito.Lumabas na ako sa silid na kinaroroonan ko upang magtungo sa susunod kong klase,kakaiba ang schedule ng klase dito kumpara sa mga university na napasukan ko dahil kada dalawang subject ay lilipat ka sa ibang silid bagay na ikinainis ko.

Damn.Nakakapagod kaya maglakad pabalik-balik.

412. 413. And........ 414. found you!

Binuksan ko ang pintuan ng klase at tumambad sa akin ang napakagulo at napaka-ingay na silid.Mas malala pa ang paaralang ito kumpara sa mga dati kong pinasukan kahit sabihing mayayaman ang mga nag-aaral dito.May mga nagbabatuhan,nagsusuntukan,may ibang abala sa pag-aayos ng kanilang sarili.Tila naging parlor na ang loob ng silid. Nabaling ang atensyon ko sa mga taong nakaupo sa dulo ng silid,dalawang grupo ang naka tayo ro'n na tila nagkaka-initan habang nasa gitna rin ang dalawang magkasing tangkad lang na lalaki.I can't deny the fact that EU male students are more handsome than the males in my past schools.Sabay-sabay na tumingin sa akin ang mga ito nang pumasok ako ngunit hindi ko ito pinansin at dumiretso sa bakanting upuan.

"Whoah,we have a transferee.Matagal tagal na rin simula ng magkaroon ng bagong estudyante ang EU." saad ng isang chinitong lalaki mula sa isang grupo na nasa likod at lumapit sa akin.

"Black Tie?" pansin nito sa Tie na suot ko


"What is your family rank ?" tanong niya,hindi ko sinagot ang tanong niya dahil hindi ko naman talaga alam ang sagot sa tanong niya bagkus ay isinuot ko na lang ang headphone na hawak ko.Wala akong panahong makipag-usap sa mga walang kwentang tao lalo na't hindi ko gusto ang presensya ng taong nasa harap ko.Tila hindi naman nito nagustuhan ang ginawa ko at mabils na hinablot ang suot kong headphone at itinapon sa kung saan.Nagulat naman ang mga taong nasa loob ng silid at tumigil sa kanilang mga ginagawa,may mga narinig akong suminghap na tila hindi nagustuhan o magugustuhan ang susunod na mangyayari maliban sa lamang sa dalawang grupong tila interesado sa susunod pang mga mangyayari.

Huminga ako ng malalim at ikinalma ang aking sarili.

Calm down,Autumn or else you'll be transfered again.


Walang imik na tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at kinuha ang headphone na ibinato nito, halos hindi ko na nagawa pang ihakbang ang mga paa ko lalo na ng makita kong basag ang headphone na natitirang alaala ng ina ko.Mom gave me that headphone before she died kaya labis kong iniingatan ito,kahit nga si Kuya Night ay hindi ito mahawakan. Halos manlamig ako sa sobrang galit dahil sa ginawa nito. I tried to control my anger para na lang kay Dad dahil siguradong hindi niya magugustuhan kong masasangkot muli ako sa ganitong gulo.

Tahimik kong pinulot ang basag na headphone at nagsalita ang lalaking nagtapon nito,"I'm asking you.  You should answer me now nicely hindi 'yong basta mo na lang akong hindi sasagutin. " gigil na saad nito.


I stared at him coldy,"Who gave you the permission to destroy my things?"kalmado ngunit malamig kong saad. Natigilan ang lahat dahil sa sinabi ko,nakarinig ako ng sipol mula sa iilang kalalakihan sa groupong nasa dulo ng silid.


"Bitch! Mag dahan-dahan ka sa pananalita mo, hindi mo magugustuhan ang mga gagawin ko sayo."mayabang at galit na wika nito.



"Who gave you the permission to destroy my headphone?"pag-uulit ko. I am hoping na kahit sana isang simpleng sorry a magsalita ito upang mabawasan ang galit ko but he didn't instead he laughed at me.



EAST UNIVERSITYWhere stories live. Discover now