23 💙 Will You Be My Ball Date?

Start from the beginning
                                    

Natawa ako ng maalala na sinisingil niya rin sila Samuel sa nabasag na monitor.

"Why would we? Ikaw lang naman ang bumasag dun ah." Sabi ni Samuel.

Nakakatawa talaga ang reaksyon niya. Mapapagalitan daw kasi siya kapag kumuha siya ng malaking halaga sa account niya.

Hindi ko alam kung magkano ang inabot nun, pero sa tingin ko ay mahal yun, dahil ang dinig ko ay bago pa lang at magandang klase ang binasag niyang tv monitor.

Pagkatapos ng araw na yun, naging maayos naman ang lahat. Tila isa nanaman akong hangin sa paningin nila, at hindi na nila ako pinapansin at pinapakiaalaman.

Mabuti na rin ito. Mapayapa ang buhay. Makakapag focus sa pag aaral.

Ang mga kaibigan ko naman, palagi ring nakabuntot sa akin.

Si Samuel, palaging nakangiti sa akin. Nahihiya na nga ako, dahil alam kong may ibig sabihin ang ngiti niya. Inabutan niya kami ni Stephen na nakasandal sa isa't isa na tulog.

Sobrang bothered ako dun at gusto kong magpaliwanag, samantalang si Stephen, as usual ay walang pakialam.

Si Stephen, ayun balik sa normal nanaman.

Nakabusangot nanaman palagi ang mukha. Pero hindi naman niya ako sinusungitan. Hmm minsan lang.

Himala diba?

Pero natural na kasi sa kanya ang pagiging masungit eh, hindi siya approachable person.

Nakakaintimidate siya, kagaya ng mga magulang niya. Nakita ko na kasi sila diba, nung naabutan ko na nagdinner sila.

Pero sa kabila ng kasungitan niya, nakikita ko din ang kakulitan niya minsan.

Should I consider myself lucky? Dahil isa ako sa nakakakita ng side niya na hindi niya kailanman pinakita sa iba?

Dumalas din na nakasama ko silang apat, ewan ko sa mga yun, nagugulat nalang ako ay nakabuntot na sakin.

Pero the more na nakakasama ko sila, narerealize ko na normal na mga istudyante rin sila, mga normal na tao. Iyon nga lang ay talagang sa antas lang ng pamumuhay kami nagkakaiba. May mga bagay na sila lang ang nakakaintindi, na kaming mga simpleng tao lang ay hindi maiintindihan.

Pero sigurado ako na silang apat, hindi lang puro angas at yabang ang alam. Hindi lang puro pang bu-bully at pang bubwisit ang kayang gawin.

May tinatago rin silang kabaitan, na hindi lang nakikita ng iba.

Kahapon nga pala, may nakuha nanaman akong itim na papel sa aking locker. May nakasulat na "Will you be my ball date?" na kulay puti muli ang tinta.

Kung sino man siya, pasensya na pero wala akong plano na pumunta sa acquaintance ball mamaya.

"Anak, ayos ka lang ba?" Kuryosong tanong sa akin ni Nanay Vicky.

Napapitlag naman ako sa gulat.

"Ha, opo!" Agad ko namang sagot sa kanya.

"Akala ko ay naluluka ka na eh, napapangiti ka at bigla ring sisimangot, tapos ngingiti nanaman. Epekto pa ba yan ng sibuyas?" Natatawa niyang sabi sa akin.

"Wala po nanay. May naalala lang po ako." Mahina kong sagot sa kanya.

"Sino naman kaya ang naaalala mo?" Makahulugan niyang tanong sa akin.

Hindi ako nakasagot.

Nahihiya rin ako kay Nanay na sabihin ang mga nangyayari sakin ngayon.

Lalo kung sasabihin ko pa sa kanya na may yumakap at may humalik na sa aking noo.

Crazy Rich TransgenderWhere stories live. Discover now