Mahinang natawa si Manong Dante.

"Private airport ito ni Sir Ethan. Para lang ito sa pamilya at mga kaibigan niya. At meron din siyang international airport. E-Skyline International Airport. Hindi ko alam kung pamilyar ka doon, Miss Hanna. Ilang taon pa lang itinayo ni Sir Ethan iyon pero sumikat na at napaka-successful ng itinayo niyang business." Napakurap ako sa narinig.

"He is the owner of ESIA?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Natatawang tumango si Manong Dante.

Hindi makapaniwalang napalunok ako. ESIA is very well known international airport here in Philippines. Alam kong sikat iyon at higit sa lahat ay palaisipan sa lahat kung sino ang nagmamay-ari ng airport na iyon. The owner was able to hide his real identity. Tanging Vice-President lang ng ESIA ang palaging humaharap sa publiko.

Natahimik ako. Marami pa akong hindi alam tungkol kay Ethan. I know that he is rich especially his family. Pero hindi ko alam kung gaano ito kayaman at hindi ko alam na businessman pala ito.

A businessman who loves to hide his real identity. Mukhang ginagawa lang nitong pangsangga ang mga taong alam kong mapagkakatiwalaan nito sa mga business nito. Ito din ang nagmamay-ari na sikat na body massage kung saan ako nagtrabaho noon. Oo, noon. Dahil sapilitan ako nitong pinatigil sa pagtatrabaho doon pagkatapos kong ma-encounter si Enzo.

Hindi na ako nakaimik pa. Marami akong gustong itanong kay Ethan. Gusto ko itong makilala pa. Ang totoong pagkatao nito. Ang totoong Ethan.

Tumigil ang sasakyan at mula sa labas ay nakita ko ang lalaking nasa isip ko. Napakaguwapo nito sa suot nitong navy green na t-shirt. Mas lumitaw ang kakisigan nito dahil sa suot nito. Bumabakat ang matitigas na muscles nito at ang nagmamalaking dibdib nito na talaga namang matipuno.

Pinagmasdan ko itong mabuti. Sa ilalim ay camouflage pants at black combat boots ang suot nito. This man shouts a dangerous aura. He's in militar and I saw how he is dangerous right now. I know that it's not his military suit but I want to see him wearing his military suit in person someday.

Whatever he wears, he really have this dangerous aura. Ethan is hot, handsome, too attractive and a temptation that no one can resist.

Napalunok ako at kasabay niyon ay ang pagtibok ng malakas ng puso ko. Ethan is wearing his sunglasses but I know that he is looking at me. May munting ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa gawi ko.

Sa likod nito ay naroon ang private chopper nito. Umaandar na iyon kaya maingay sa paligid.

Lumabas ako mula sa kotse at tila slow motion na naglakad papalapit si Ethan sa akin. Kung bakit pati sa paglalakad nito ay tila nakapaka-perpekto ng lalaking ito. Do I really deserved this man?

Muli ay nakaramdam ako ng panliliit sa sarili. I have nothing, both wealth and beauty. And I am starting to ask myself if I really deserve this man. He said that he love me. Paano ako nitong minahal sa kabila ng mukhang meron ako ngayon? O baka ako lang itong mali ang paniniwala na mahal talaga ako nito?

Kaagad kong nginitian ang binata nang makalapit ito sa kabila ng pangunguwestyon ko sa sarili. Awtomatiko akong hinapit ng binata sa beywang at inilapit ang bibig sa tenga ko.

"I miss you." He gently whispered.

Napakagat ako sa ibabang labi. I want to say that I miss him too. Pero nauunahan ako ng hiya at panliliit sa sarili. I don't know why I feel this way again. Basta't nanliliit lang ako sa sarili ko.

"You okay, my baby"? Nag-aalalang tinignan ako ng binata.

Mabilis akong tumango.

"Y-Yeah. I'm okay." Tugon ko pero hindi ako makatingin ng diretso sa binata.

Phoenix Series #10: My Innocent Desire(COMPLETED)Where stories live. Discover now