Lantaran kong pinasadahan muli ng tingin ang mga nakapalibot sa harap ng mesa. Isang beses sa isang buwan nakukumpleto kuno ang mesang ito. Paano masasabing kumpleto kung kulang ng isa at marami lang ang naging sabit at pasobra?

"Marami akong pinapagawa d'yan sa kapatid mo. Pero mas inuuna pa n'ya ang pakikipagbarkada at pagtuunan ang walang kwentang posisyon n'ya sa school na yan. Bakit ba hirap na hirap yang tularan itong si Cov? And I heard Dwayne's also doing good on his family's business field. Hindi kagaya n'yang kapatid mong walang maasahan."

Napadiin ang pagkapit ko sa kutsara habang nakatingin sa kinakain ko. Paano ko pa lulunukin ang mga pagkaing nakahain dito? Hindi ko maintindihan kung bakit nya pa ako kinailangan sa umagahang ito kung ganito lang naman ang ipapakain n'ya sa'kin? Mga salitang halos hindi ko na makain.

Okay lang yan Blaze. Sanay ka na. Itatak mo yan sa utak mo.

Tama naman s'ya. Inuuna ko talaga ang mga obligasyon ko bilang President at Captain sa HFA kahit para sa kanya wala naman yung kwenta. Pero sa'kin, hindi. Sa HFA ko naramdaman na kahit papaano kaya kong magkaroon na authority at magpasunod ng tao kagaya ng ginagawa n'ya. Para sana kahit papaano nakikita n'yang may ginagawa ako para unti unting sundan ang daan na gusto n'yang tahakin ko kahit ayaw ko sana. That like him, I can rule the whole student body and my own territory.

He's insanely into politics now, masyado na n'ya yung kinahumalingan. Masyado na n'yang niyakap ang kapangyarihan, kasikatan at kayamanan. At isa lang ako sa mga taong nagdudusa dahil sa kahibangan n'ya.

Mabilis na sumulyap ang mata ko sa tinutukoy n'ya. Tipid lamang itong ngumiti sa'kin na akala mo'y nahihiya s'yang pinagmamalaki at ikinukumpara na naman ako sa kanya. Anong karapatan n'yang ngitian ako na parang okay kaming dalawa? Bakit hindi na lang n'ya ipakita ang tunay na kulay n'ya kagaya ng nanay n'ya?

Covid Claveria. The eldest son of Ophelia Claveria.

Ang ipinagmamalaki at palaging ikinukumpara sa'kin ni Daddy. Mas magaling, mas matalino, mas may alam sa politika at negosyo kahit noon kasing edad ko pa lang raw ito. S'ya ang laging ibinibida ni Daddy sa mga matataas na tao na kaibigan n'ya. Isinasama sa kahit saang special occasions and gathering para iharap sa mga business man at politicians na mga kakilala n'ya. At ako, nasaan ako nung mga panahong yun? Nasa isang sulok, pinagmamalaki ang sarili ko sa mga table napkins at wine glasses ang mga maliliit na achievements ko.

Sa mga mata ni Daddy, si Covid ang pinakaperpektong anak para sumunod sa kanyang yapak. Si Ate Zaylee raw dapat, kaso nga lang mas mahina raw sa ganoong larangan dahil isa lamang s'yang babae.

How ironic isn't it? Totoo pala talaga na may mga magulang na may iisa lang na pinapaboran sa kanyang mga anak. Pero ang mahirap tanggapin ay kung bakit ang isa pa sa mga bastardo n'yang anak ang dapat n'yang paboran.

Pinili ko na lang sumubo kahit papano ng pagkain. Mabuti pa kasi itong ibang mga kaharap ko, may ganang kumain kahit ang bigat bigat ng hangin sa palibot ng dining table.

"Stop comparing your legitimate son to your illegitimate son Dad. Besides, he's not yet graduated in high school for pete sake. Stop pressuring him and forcing him to take political science in college in the near future. Tama ng yang si Covid lang ang maging puppet n'yo. " Kalmado lamang na uminom ng tubig si Ate Zaylee bago sulyapan paisa isa ang mga nasa mesa.

ELITESWhere stories live. Discover now