Chapter 20: Chance

1.3K 43 0
                                    

(Marie's POV)

Dalawang taon na ang lumipas. Hindi na ako marupok. Ilang beses ko yang itinatak sa isip ko. Hindi na. Hinding hindi na ko mauunang umamin sa nararamdaman ko. Hindi nako aamin kasi wala naman nakong gusto sa kanya!

Napaface palm ako. Bakit ako nag-iisip ng ganito? The hell. Naiinis ako sa sarili ko kasi kapag siya ang kaharap ko, parang bumabalik ako sa dati kong ugali. Nag-iisip bata na naman ako! Aish, erase! Wag mo na siyang isipin Cassandra Marie for Pete's sake!

Napabuntong hininga ako bago pumasok ng banyo. Pupunta ako sa kumpanya bilang acting CEO. Alam niyo namang bagong kasal ang kapatid ko at nadelay pa ang biyahe nila patungong Maldives dahil sa nangyari sakin. Kahit na ayokong mag acting CEO, pinagalitan naman ako ni Dad kaya napa-oo na lang tuloy ako.

Nagsuot ako ng Tia suit dress na kulay itim. Kulay itim din ang sinuot kong three-inched stilettos. Pagkatapos kong magmake up ay lumabas nako ng kwarto. Nadatnan ko naman si dad na nakaupo sa hapag kasama ang isang boring na tao.

"Morning dad."

"Morning sweetheart. May inimbitahan nga pala ako, kung hindi mo lang mamasamain."

Nagkibit balikat ako at nag-umpisa nang kumain. Napatingin ako sa sinabi niyang inimbitahan niya. Tss. Isang walang kwentang tao.

Nilamon ko ang kinakain na pancake at ininom ang hot chocolate. Tumingin ako sa relo.

"Una nako dad. Malalate nako."

"Ha pero hindi pa tapos si Mr. Lewis."

Nagtaas ako ng kilay. "Wala naman akong paki--"

"I'm done Sir."

Tumayo siya. Tiningnan ko siya na naglakad paalis ng dining room.

"Dad?"

"He's your bodyguard Cassandra at siya ang maghahatid sayo patungong kumpanya."

Umiling ako. "No need na dad."

Nilisan ko ang dining room at nakipagsagutan kay Jude. Pahirapan pa na ayokong magpahatid sa kanya. In the end, lumabas siya ng kotse at pinalitan ni Mr. Gallerdo kaya nakahinga ako ng maluwag. Pakshet na feeling na to.

Busy akong buong araw. Matapos kong makipagkita sa isang investor ay dumiritsu na kong opisina ni Kuya. Langya, pahirapan ako dun sa matandang investor na yun. Tatlong oras ang inabot bago ko naclose ang deal. Ang dami niyang issue at tanong. Hays.

Ngayon naman katatapos ko lang sa isang meeting na hindi ako nainform kaya napagalitan ko yung sekretarya ni Kuya.

Hiningi ko na yung natitira kong schedule.

"Yun lang po ngayong araw pero bukas po ay may presentation po ng monthly report at 9 a.m po Miss. Then, may lunch meeting po kayo kay Mr. Buentura. Next, 2 p.m another meeting po sa kumpanya ng mga Lewis."

Napataas ako ng kilay sa narinig. Ang tanong na akmang kong itatanong sa sekretarya ay nawala dahil nabaling ang atensiyon ko sa tumunog na selpon.

"Oh?"

"Kumusta?" tanong ng magaling kong kapatid sa kabilang linya. I frowned saka sumandal sa swivel chair.

"Tiring."

Narinig kong tumawa siya. "Kumusta ang meeting?"

"Okay lang, inaprobahan ko na," walang gana kong sinabi. Nalayo ko na naman agad ang selpon sa tenga nang biglang siyang sumigaw.

"Anong sinabi mo?!"

"Di mo kailangan manigaw, hindi ako bingi," naiinis kong sinabi. Narinig kong nagbuntong hininga siya sa kabilang linya.

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now