Chapter 13: Necklace

1K 32 2
                                    

(Marie's POV)

Sobrang sama ng pakiramdam ko. Langya, naulanan kasi ako kahapon dahil ang walangyang Gurang, pinaasa ako. Ang sabi kasi susunduin na niya ako, edi naghintay ako. Hell, wala naman ni isang anino niya ang nagpakita sakin kahapon. Kaasar talaga.

Mas hinigit ko pa ang comforter sa buong katawan ko. Langya kasi, kaasar. Napatingin ako sa adjacent room ko nang may kumatok, di ako sumagot. Bahala siya, manigas siya kakakatok. Wala akong pakialam, gaya ng hindi niya pagbibigay ng importansiya sakin.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko pero langya naaalala ko ang nangyari kahapon. Kahapon kasi... kahapon- argh! Sobrang naaasar ako. Ba't ko pa kasi sila nakita!

Kunot-noo akong umupo sa kama at hinilot ang sintedo. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa kadahilang siya ang may dahilan kung bakit nagkakasakit ako ngayon. Kasi naman eh, matapos akong di siputin ni Gurang sa University, mukhang tanga akong naghintay sa wala.

Kaya umalis ako matapos ang dalawang oras. Nagutom ako kakahintay sa kanya kaya nagpasya akong kumain muna sa restaurant na paborito ko pero langya, wrong timing! Ang malas ko lang!

Si Gurang kasi nakita ko kahapon kasama yung gf niya, naglalandian este kumakain tapos ang damuho sobrang laki ng ngiti at yung titig niya... inlove na inlove talaga siya. Eh, ako? Shit. Kaya ayoko nito eh.

Nagseselos ako! Yung puso ko parang may pumipiga. Kung bakit kasi siya pa. Taken na eh, taken na pero siya pa talaga pinili ng puso ko, kainis. Ba't sa Gurang pa na yun ako nagkagusto?

Humilata uli ako sa kama at naalala yung nangyari nung isang araw. Nung niyaya ko siya tapos tumawag gf niya. Hayun, ang ending mag-isa na lang ako. First prority niya eh.

Nabaling ang atensiyon ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si dad. Sumimangot ako.

"Good Morning," bati niya.

"Morning," walang ganang bati ko pabalik.

"Are you okay?" tanong niya saka naupo sa paanan ng kama.

Akmang hahawakan niya ko pero umiwas ako. Baka kasi mapansin niya na may sakit ako at ayoko nun.

"Happy Birthday."

Umayos ako nang upo ako saka seryosong tumitig kay dad. First time to. First time kong mabati niya ng personal. Binabati naman niya ko nun pero sa phone lang saka saglit lang din dahil busy siya.

Tumayo siya saka lumapit sakin. Akmang iiwas ako nang mahaplos na niya ang pisngi ko.

"Mainit ka."

"Okay lang ako. Medyo masama lang ang pakiramdam ko pero carry naman," umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Uminom ka na ng gamot?"

Tumango lang ako saka umusad ng upo.

"Happy Birthday."

Napatingin ako sa kanya nang ulitin niya yun. Narinig ko naman na ang una niyang bati ha.

"I know, galit ka sakin. I'm sorry dahil sa phone lang kita nababati noon then sobrang busy ko pa."

Nag-iwas ako ng tingin sa sinabi niya. Tumitig ako sa kamay ko at pinaglaruan ang hintuturo.

"Okay lang," mapait kong sagot.

"Sweety," malambing niyang tawag sakin. "I'm sorry if I let you feel that I blame you about your mother but believe me, hindi yun ang pinupunto ko. I just love your mother so much na kailangan kong magpakalayo para mawala at makalimutan ang sakit. Di ka namin nasama dahil masyado ka pang bata and mama insisted na siya na muna ang mag-alaga sayo."
Ramdam ko ang mabigat na pagbuga ng hangin ni dad.

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now