Chapter 2: Pasaway

1.9K 58 4
                                    

(Jude's POV)

Huminto ako sa paglalakad nang huminto siya mula sa unahan. Napapadyak siya sa sahig bago muling naglakad.

Umangat naman ang gilid ng labi ko, inis na inis na talaga siya sa presenya ko. Kanina pa niya sinasabi na iwan ko na raw siya pero di naman pwede.

"Aish, umalis ka na nga kasi. Pati ba pagma-mall eh sunod sunuran ka pa rin. Nakakaasar ka--"

"May problema ba Miss?" tanong ko habang nakatayo sa gilid niya.

"Diba nasa likuran kita?"

"Ngayon nasa gilid mo na ako," nakangising sagot ko.

"Aish, nakakaasar ka!" Inis na singhal niya at ginulo ang buhok niya.

Nag-umpisa uli siyang maglakad kaya sumunod na ako. Napailing na lang ako.

Bawal siyang lumabas ngayon dahil mainit pa rin siya sa mga mata ng mga nagbabalak sa kanya. Pero matigas ang ulo niya kaya nagpumilit siyang makatakas. Nakatakas nga siya sa mga nagbabantay sa labas ng kwarto niya maging sa mga nagbabantay sa labas ng bahay nila. Buti na lang nasundan ko agad siya.

Nang pumasok siya sa loob ng kotse niya mabilis din akong pumasok at inangat siya sa upuan. Nilipat ko siya sa passenger seat at ako ang naupo sa driver seat. Naalala ko naman ang pag-awang ng mga labi niyang mapula at ang pagkunot ng noo niya. Syempre di mawawala ang kataga niyang 'the hell'.

Umiling ako at sumunod sa kanyang pumasok sa loob ng isang botika. Di ko inalis ang tingin sa kanya habang namimili siya ng damit.

Yung nangyari nga pala kagabi. Kung di kami nakarating sa tamang oras ay siguradong marami pa siyang pasa sa mukha at katawan. Napapikit ako nang maalala ko rin ang nangyari matapos niyang malaman na magiging bodyguard niya ko.

Lumapit siya sakin at nakipagtitigan. Syempre, pinatili kong matigas ang expression saking mukha habang nakikipagtitigan din sa maamo niyang mukha pero mabangis na mga mata.

Matapos niya kong titigan, biglang siyang ngumisi at sinuntok ako sa ilong kaya nga may bandage ako ngayon. Ang sabi pa niya, pang welcome niya raw yun sakin.

Natatawang napapailing na lang ako sa kanya. Matigas na ang ulo, masyado pang pasaway.

Tumingin uli ako sa direksiyon niya. Ang akala niya siguro, makakawala siya sa paningin ko dahil pasimple niyang inangat ang isang damit na kinuha niya at dahan-dahang naglakad sa exit door.

Okay. Mabilis akong tumalikod at naglakad palabas ng entrance door. Huminto ako mismo sa harap niya. Sa likod siya nakatingin kaya naman bumangga siya sa katawan ko.

"Aray," impit na ani niya sabay angat ng kanyang ulo.

Tinaasan ko siya ng kilay sabay kuha ng damit na kinuha niya. "Kakasuhan ka ng pagnanakaw kung tuluyang nailabas mo to." Hinawakan ko siya sa wrist niya sabay hila sa kanya at nilagay ang damit sa stante.

"Hoy, bitiwan mo nga ako."

Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang makarating kami sa parking lot ng mall.

"Kaasar, ano ba! Sabi nang bitawan mo ko eh!" sigaw niya kaya napahinto ako sa paglalakad. Bumangga naman uli siya sa likod ko.

"Aish, ang sakit ha. Bakal ba yang likod mo?" asar niyang singhal habang nakahawak sa noo niya.

"Kailangan mo nang umuwi," sa halip na sagutin ang tanong niya ay yun ang sinabi ko.

"Wow, ano kita tatay? Tabi nga," inis na ani niya at hinawakan ang kamay ko sabay pilit na kumawala.

She's My Lady BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora