Chapter 17: Kidnap

1K 32 0
                                    

Two freaking years later...

(Marie's POV)

Nakasimangot ako habang nanatiling nakatingin sa labas ng bintana. Dalawang taon na ang lumipas pero wala pa ring pinagbago ang EDSA, sobrang traffic parin. Tsk.

Mas napasimangot pa ko nang may maalala. Di sana ako uuwi eh kung di lang ako pinilit. Ang di ko close na kapatid noon ay ikakasal na at kailangan kong umattend kahit di naman na talaga kailangan. Kainis lang. Saka akalain niyo yun. May nagkakagusto pala sa kuya kong abnormal.

Ang sungit kaya nun pero minsan nanlalambing pag magkasama kami kaya parang di maipinta ang mukha ko pag nagturn siya sa pagiging malambing. Kasi nga naman, di ako sanay pero kalaunan nagawa ko nang pakisamahan. Unti-unti rin akong nasanay.

Huminga ako nang malalim at yamot na tumitig sa isang poster. Napaismid ako nang makilala ko kung sino. Tsk, la kong paki sa kanila. Ulol lang.

"Miss, okay lang ba kayo?" tanong ng sumundo sakin sa airport.

Tiningnan ko si kuya saka bahagyang ngumiti. Ayokong magsalita baka di ko mapigilan bibig ko. I'm still in the process of controlling my temper. Tumingin na lang uli ako sa bintana at tumitig sa labas.

Bigla namang may kumatok at inopen ang kamay. Napabuntong hininga ako. Ayokong pera ang ibigay ko sa kaniya baka kasi kung saan pa niya ibili.

Kinuha ko ang biscuits sa bag saka binaba ang bintana ng kotse. Binigyan ko siya ng tatlo pero nagulat ako nang magsidatingan yung iba. Hala, lagot na.

"Ate, ako rin. Ako rin."

"Ako rin po ateng maganda."

"Pahingi din po ako."

Sabay-sabay nilang sinabi. Narinig kong nagsalita si kuya driver pero di ko na narinig dahil sa ingay ng mga bata.

"A-ah... Ano kasi... Konti lang tong dala ko paghatian niyo na lang, okay?"

"Eh, pera na lang po. Sige na po."

"Oo nga ate, maawa ka naman."

Bahagya kong tinaas ang bintana saka napatapik ng noo. Anong gagawin ko nito?

Bahagyang umusad ang kotse kaya mas umingay sila sa labas.

"Di ko kayo pwedeng bigyan ng pera baka kung saan niyo lang ibili."

"Po, hindi po. Mabait po kami, ibibili po namin yan ng bigas."

Weh? Baka naman pagsinungalingan niyo ko tulad nang gu... What the hell. Ano ba tong iniisip ko. Umiling ako at muling tumingin sa kankla.

"Sa susunod na lang, nagmamadali ako eh. Promise babalik ako, sa ngayon itong biscuits muna."

Itinaas ko na ang bintana pero naaawa ako sa mga bata. Tumingin ako sa relong suot, may isang oras pa naman.

Pinatabi ko ang kotse saka lumabas at bumili ng pagkain sa isang convenience store. Binigay ko agad nang makalabas ako at tumakbo papasok ng kotse.

"Miss, mukhang di ka po na makakaabot?"

"Ha? 30 minutes pa naman bago magsimula."

Napakamot si kuya driver. "Eh kasi Miss, ang sabi po nagsimula na."

Napasimangot ako at gaya nang sinabi, nagsimula na nga. Nadatnan kong nagpalitan na ng vows ang dalawa. Grabe, sobrang importante ng presensiya ko rito no.

Langya, nag-umpisa naman sila kahit wala ako eh ba't pinauwi pa nila ako rito kung di ko naman pala nawitness ang flow ng kasal mula sa umpisa.

Nakasimangot na tumalikod uli ako saka naglakad palabas. Kinuha ko ang susi mula sa driver na sumundo sakin kanina. Hindi pa sana niya ibibigay kung di ko siya pinandilatan ng mata. Kaasar lang eh. May plano yatang painitin ang ulo ko.

She's My Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon