Chapter 15: Usap

1K 35 3
                                    

(Marie's POV)

Maaga akong nagising pero late akong lumabas ng kwarto. Natulala pa kasi ako sa loob. Iniisip ko yung nangyari kagabi.

Aish. Wala naman na akong magagawa kasi umamin nako. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit nagpadalos-dalos ako. Huminga muna ako nang malalim bago bumaba ng hagdan.

Dumiritsu akong dining. Naabutan ko naman si Daddy.

"Morning Dad," bati ko sabay halik sa pisngi niya.

"Morning, sweetie. Kumain ka na dahil kanina pa naghihintay si agent T."

"Gallerdo?"

"Yeah. May inasikasong importante si agent K9 so for the mean time si agent T muna ang bodyguard mo."

May inasikaso o iniiwasan ako? Di nako nagtanong pa at kumain na lang.

Pilit kong pinapaliksi ang kilos ko pero kahit anong gawin ko, lumilipad pa rin utak ko kay... Gurang. Aish, what the hell!

"Miss, nandito na po tayo."

Tumango ako kay agent T bago lumabas ng kotse. Lutang akong naglakad ng hallway, corridor hanggang sa makarating ako ng room.

I sighed and looked at Ms Villa Rosa. Nakatingin ako sa kanya pero lutang pa rin ang utak ko hanggang sa matapos.

Not productive. Di talaga productive ang araw ko kaya naiinis ako sa sarili ko. Di naman ako ganito, ha? Aish.

Tumitig ako sa kisame ng kwarto ko. Ano Cas, dito ka lang sa kwarto mo? Di ka tatakas? Opportunity na to... pero wala akong gana. Parang wala akong energy. Kung tatakas naman kasi ako, di rin naman si Gurang ang hahanap-- the hell! Ba't puro na lang ako Gurang? Aish. Inis akong napaupo sa kama at tumitig sa bookshelf.

Makapagbasa na nga lang. Pinili kong basahin ang isang management book.

"Sweetie."

Nabaling ang atensiyon ko sa pinto. Sumigaw ako nang pasok.

"Hey, you're reading!" manghang sinabi ni Dad.

Napasimangot ako. Yung tono niya may halong di makapaniwala. Naupo siya sa kama at ginulo ang buhok ko.

"Much as I want you seeing reading a management book, it's already 1 am Sweetie. You need to sleep now, may pasok ka pa bukas."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dad? Seryoso? 1 am na? Tumingin ako sa wall clock para makasiguro at 1 am na nga ng madaling araw!

Bumaling ako kay Dad. Nakangiti niyang hinaplos ang buhok ko saka ako hinalikan sa noo.

"Good night and good morning."

Di makapaniwalang nahiga ako. Wow, so ganito ako? Akalain niyo, nagseseryoso din pala ako. Nakakapagseryoso din pala ang pagiging brokenhearted ko. The hell.

Late nakong nagising kinaumagahan. Nakakapanibago lang, wala kasi akong alarm clock. Humihikab na naupo ako sa kama saka tumingin sa wall clock, alas 10 na pala. Nahiga uli ako at pumikit.

Matutulog na lang uli ako.

Hapon na nang magising uli ako. Kung di ako nagugutom, di sana ako bababa. Aish. Humihikab na binuksan ko ang ref. Wala eh, inaantok pa rin ako kahit halos buong araw naman akong natulog.

"Oh, hija. Gising ka na pala, sandali lang at paghahandaan kita."

"Wag na po Manang, ako na lang. Magpahinga na lang po kayo ulit." ani ko sabay ngiti.

Gulat na lumapit si Manang sakin at hinaplos ang noo at leeg ko.

"May sakit ka ba Cassandra, hija?"

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now