Chapter 3: Gurang

1.6K 51 12
                                    

(Marie's POV)

Palakad lakad ako rito sa loob ng kwarto ko. Aish, ano bang pumasok sa isipan ni dad at pinagamit niya ang adjacent room ng kwarto ko. Kaasar.

Mariin akong pumikit at humarap sa salamin nang may napansin akong umiilaw sa bandang collar ng suot kong hoodie.

Inabot ko yun at napanganga. Walangyang manyak na yun! Ang kapal ng mukha niyang lagyan ako ng tracking device sa damit ko.

Aish, ginulo ko ang buhok at itinapon ang device sa labas ng bintana. Kasabay ng pagtapon ko ay ang ideyang pumasok sa isip ko.

Window.

Mabilis akong nagbihis at dali-daling inayos ang kama ko. Lumapit agad ako sa bintana pagkatapos ay sumampa. Inabot ko yung sanga ng puno at lumambitin. Nang maging kumportable na ang ayos ko, agad akong tumalon.

Bumuga ako ng hangin at akmang lalakad na nang pagharap ko sa daraanan ay ganun na lang ang pagkagulat ko nang madatnan ko ang manyak kong bodyguard sa harap ko.

What the hell! Paano niya nalamang tatakas ako?

Pinagtaasan naman niya ko ng kilay. Bakla yata to eh, may pataas taas pa ng kilay. Taas noo ko namang siyang hinarap at humalikipkip.

"Tabi," utos ko sa kanya pero imbis na sumunod ay mas lumapit pa siya sakin.

"Papasok ka na bukas kaya hindi ka tatakas at maaga kang matutulog." Seryosong sinabi niya na nagpakunot ng noo ko.

"No way," usal ko saka siya tinulak at pinatabi.

Maagap naman niyang hinawakan ang braso ko.

"Ano ba!"

"Matulog--"

"Hindi pa ko matutulog kaya pwede ba!"

Winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Diri-diritsu naman ang lakad ko patungong kotse. Dahil alam ko namang susunod siya, hinagis ko na lang ang susi sa kanya at pumasok sa back seat.

Tahimik naman siyang pumasok sa driver seat at nagmaneho. Huminto siya sa gate at binaba nag wind shield.

"Babalik agad kami."

Umirap ako. Kaasar.

"San mo ba gustong pumunta?" tanong niya.

"Sa Antipolo. Dun sa over looking mountain."

"Malayo."

"Sa tingin mo may paki ako? Now, drive." Iritang utos ko sa kanya.

Di na ko umimik ganun din naman siya hanggang sa makarating kami. Lumabas naman agad ako at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin. Nanatili naman siyang nasa loob ng kotse. I twitched my lips saka kinatok ang bintana. Binaba naman niya.

"Hoy! Ilang taon ka na nga pala?" tanong ko.

Tinaasan niya ko ng kilay. Tsk, bakla talaga.

"Ba't ka interesado?"

"Ba't di mo na lang kaya sagutin ang tanong ko?" balik tanong ko.

"Ba't ko naman gagawin?"

"Dahil boss mo ko at tinatanong kita kaya sagutin mo ko."

Umangat naman ang gilid ng labi niya.

"Dad mo ang amo ko."

"Ina-sign ka niya sakin kaya boss mo rin ako. Dali na, ilang taon ka nga?" Naiiritang tanong ko uli.

"28."

"Ano?"

"I'm 28."

"What? Tsk, gurang ka na pala." Wala sa sariling sinabi ko sabay talikod sa kanya.

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now