Chapter 14: Infatuation

1K 36 3
                                    

(Marie's POV)

Ilang linggo na ang lumipas matapos akong bigyan ng gift ni Gurang at hanggang ngayon nagmumukha pa rin akong tanga.

Di ko alam pero nababaliw na yata ko. Tuwing napapaharap ako sa full length mirror sa kwarto ko, eh napapangiti na lang ako. Parang baliw lang diba?

Hinawakan ko ang kwentas na bigay niya. Isa itong heart shape na may litrato sa loob- si mommy. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang ngiti. Kaasar, nababaliw na nga yata ako.

Umiling ako at napabuntong hininga. Nagpatuloy na ko sa pag-aayos ng sarili. Nang matapos, bumaba na ko at diritsung pumasok ng kotse.

Tahimik lang naman si Gurang na nagdrive. Tumikhim ako dahil ang awkward ng atmosphere. Makaraan ang ilang minuto, nasa University na kami.

Nag-bye lang ako sa kanya saka patakbong pumasok ng gate. Shit, ang awkward pa rin talaga.

Hmm, dahil good mood ako ngayon. It means, hindi ako tatakas at makikinig ako sa klase ng maayos.

Matapos ang klase ko sa umaga ay naghintay na ko sa parking lot. Tinawagan ko na si Gurang at sinabi niyang papunta na siya.

Bigla ko namang nakita yung lalaking panay sunod sakin nitong nakaraang buwan, si Jake.

"Yow!" Masiglang bati niya sakin. Di ko naman siya pinansin.

"Hello sayo."

Napaatras ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sakin. Tumawa naman siya.

"Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo. You loss so back off," asar na wika ko.

"Wow, grabe ka naman. May usapan ba tayong ganoon?"

Umakto pa siyang tilang inaalala ang napag-usapan namin. Sinamaan ko sya ng tingin, nanatiling nakangiti naman ang loko.

"Okay, okay. Tinetest lang naman kita kasi baka malay mo, pansinin mo na talaga ako kahit talo na ko."

Ngumiti uli siya. Grabe, panay ngiti. Siya na masayahin.

"Gusto mo hatid uli kita? Wala ka pa namang sundo."

I smirked. "Actually, nandito na nga eh."

Bumaling ako sa seryosong Gurang na papalapit sa direksiyon namin.

"Hoy, Gurang--"

Naiwan sa ere ang sasabihin ko nang bigla na lang niya kong hilahin at ipasok sa kotse. The hell. What was that?

"Gurang--"

"Avoid that kid."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tinanong ko siya kung kilala niya ba si Jake at kung bakit ko naman siya kailangang iwasan pero di na siya sumagot.

Nanatiling seryoso siyang nakatingin sa kalsada. Di na lang ako umimik hanggang sa makarating kami sa bahay.

Wala na kong pasok sa hapon kaya sa kwarto lang ako magdamag. Di ako tumakas. Good girl ako ngayon eh saka pagpapahingahin ko muna si Gurang. Ngumisi ako. Kasi mamayang gabi, papagurin ko siya... kakahanap sakin.

Yun ang akala ko. Nang tumakas ako bandang six. Langya, ang bilis niya kong nahanap. Di kaya may kinabit na naman siya saking tracking device? Pero wala naman akong napapansin sa katawan ko.

Nagkibit balikat na lang ako. Nakita niya ko sa park kaya nagpalibre ako ng ice cream na tiglilimang peso then sugar candy. Inalok ko si Gurang pero umiling lang siya. Pagkatapos, hinila ko si Gurang sa palaruan.

Nagslide ako sa sliding then naupo sa swing. Kung di ko siya hinila para maupo sa katabing swing ay talagang tatayo lang siya sa harap ko at ang awkward lang talagang tignan.

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now