Chapter 19: Suntok

1.1K 45 1
                                    

(Marie's POV)

Nagising akong puro puti ang buong paligid. Pinikit ko uli ang mga mata para mas maging malinaw. Nang mapagtanto kong nasa hospital ako ay napabalingkawas ako ng bangon.

Shit. Napahawak ako sa ulo ng sumasakit yun pati na rin ang buong katawan ko.

Langya. Walangyang kidapping thingy na naman yun. Ang sakit na naman ng buong katawan ko. Napatingin ako sa pinto nang bumukas yun at pumasok si Dad. Nagulat pa siya na makita akong nakaupo sa kama. Agad naman siyang nag-utos sa isang tauhan sa labas na tawagin ang Doctor.

Panay tanong niya sakin kung kung may masakit ba sakin. Kung okay lang ba ako. Kung nagugutom ba ko. Kung nauuhaw.

"Dad, calm down. Okay lang ako." Ani ko. Bumuntong hininga naman siya.

"Bakit mo naman tinanggal ang dextrose? Ilagay mo uli."

"Okay na nga ako Dad. Medyo masakit katawan ko pero carry naman."

Bahagya akong ngumiti to ensure him na okay nga lang ako. Hinaplos naman ni dad ang ulo ko saka niyakap ng mahigpit.

"Dad, ikaw yata ang papatay sakin. Sabihin mo lang."

Narinig ko siyang tumawa saka niluwagan ang pagkakayakap.

"Masaya si Daddy na okay ka na."

Hinalikan ako ni dad sa noo saka tumayo. Chineck ako ng doctor at may ilang tanong lang then pagkatapos sinabi niyang makakalabas na ako bukas para mas makapaghinga sa bahay.

Kinausap uli ako ni dad at sinabihan na wag matigas ang ulo. Sinabihan nya rin ako na wag akong magtatangkang tumakas dahil mas marami na ang bodyguards na nagbabantay sakin. Kahit natigilan ako sa salitang bodyguard ay di ko na lang pinahalata.

"Dad, makakatakas ba ko sa lagay nato?"

"Yeah, I know you too well. I have to go, pahinga ka, okay?"

Tumango lang ako. Tumayo naman na si dad saka lumabas ng kwarto. Hay, boring. Kung di lang talaga masakit katawan ko. Malamang totohanin ko expektasyon ni dad sakin na tatakas ako.

Nang makaalis si dad, tumunog naman ang telepono ko sa mesa. Sinagot ko yun at agad napangiti nang isang galit na boses ni Lolo ang una kong narinig. Nag-aalalang boses naman ang kay Lola. Tinawanan ko lang sila at sinabing okay na ko at hindi pa naman mamamatay.

Pinagalitan na naman nila ako kaya panay tawa na lang ako. At the end sinabi kong sila dapat ang magpagaling dahil makakalabas na naman ako bukas.

Ayun, kalahating oras yata kaming nag-uusap nina Lolo hanggang sa marinig kong may nagsabi sa kabilang linya na kailangan na nilang magpahinga. Agad naman akong nagpaalam.

Wala akong magawa. Nakatitig lang ako sa kisame hanggang sa mabored ako. Inabot ko na lang ang remote sa mesa saka binuksan ang TV. Napasimangot ako nang makita ko ang litrato at pangalan sa TV.

"Matapos ang naganap na kidnapping ay kasalukuyang naka-confine sa Villaflores Medical Hospital ang anak ni Governor Alexander Villafuente..."

Hell, I'm all over the news. Great! Ang ganda lang, langya.

Nilipat ko sa ibang channel pero ganun pa rin ang balita. Naaasar na pinatay ko ang TV saka nahiga uli. By the way, dun sa nangyari sakin. Kinidnap ako dahil balak maghinganti nung lalaki dahil akala niya si dad ang nagpapatay sa kapatid niya.

False information lang naman yung natanggap niya kaya hayun pasalamat siya at di bala ang tumama sa kanya kundi pampatulog lang. Ngayon, nakakulong na loko kasama ng mga walangyang alipores niya.

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now