Chapter 11: Girlfriend

1.1K 36 1
                                    

(Judes POV)

Nasa labas lang ako ng University habang naghihintay sa batang pasaway nang tumunog ang celpon ko. Mabilis ko namang sinagot.

"Hon."

"Hi, Hon. Free ka ba ngayon?" Malambing niyang tanong mula sa kabilang linya.

"Why?"

Tumingin ako sa suot kong relo. 2:43 pm pa.

"Samahan mo ko, please."

Hinwakan ko ang labi ko habang nag-iisip. Kung aalis ako baka makatakas na naman ang batang yun pero di pa naman tapos ang klase niya.

"Okay, papunta na ko."

Binuhay ko ang makina at umalis ng parking lot. Sinundo ko muna girlfriend ko sa condo niya.

"Hon," masayang bati niya at hinalikan ako ng mariin sa labi. Gumanti naman ako.

"Let's go."

Gaya ng nakagawian, pinagbuksan ko siya ng pinto then magkahawak kamay habang nahawak sa manibela ang kaliwa kong kamay. Tinatanong niya uli kung kamusta araw ko at lahat ng mga ginagawa ko.

"I'm excited. Pagkatapos kong mamili, nood tayo ng sine ha?"

Bahagya ko siyang nginitian habang naghihintay na umurong ang kotseng nasa unahan. Nang lumuwag ay binilisan ko ang pagpapatakbo hanggang sa makarating kami ng mall.

Hinahawakan niya ang kamay ko saka hinila papasok sa loob. Pumasok kami sa isang boutique at dun niya lang binitawan ang kamay ko. Tinatanong niya ko sa bawat damit na napipili niya. Tumatango lang ako at ngumingiti.

Nang matapos siya sa pagpili ng mga damit ay niyaya niya muna akong kumain sa resto bago manood ng sine. Sumunod lang ako sa kanya. Nag-order kami ng pagkain then pagkatapos agad na dumiritsu sa sine.

"Anong magandang panoorin ngayon, Hon?" Nakangiti niyang tanong sakin pero imbis na sumagot ay di ko magawa. Natuon ang atensiyon ko sa babaeng nakatayo rin sa bandang gilid at may kasamang lalaki.

Tapos na klase niya?

"Hon."

"Ikaw nang bahala," simpleng sagot ko saka tumingin uli sa direksiyon niya.

"Ayoko nga, ang kulit ng lahi mo!" Inis na sigaw niya dun sa lalaki. Tumawa naman yung kasama niya saka siya inakbayan.

"Ngyon lang naman eh, pagbigyan mo ko saka pambawi ko to sayo."

"Di ko naman sinabing bumawi ka saka haler di tayo close!"

Pumadyak siya sa sahig at ginulo ang buhok niya. Nag-iwas ako ng tingin nang dumako ang paningin niya samin. Langya, di ko siya nasundo. Pasimple kong tinignan ang oras, 4:17 pm. Kinuha ko naman ang phone ko at tiningnan kung may tawag. Meron nga.

Tumawag nga siya. 2:48, saktong umalis ako ng parking lot. So, di siya pumasok sa huli niyang klase. Ang pasaway na to.

"Come on, Hon. Pumila na tayo."

Nginitian ko siya saka tumango at sumunod lang sa kanya.

"Oh look, who's here." Sarkastikong ani ng taong nasa likuran ko. "Inuuna pa talaga ang paglalandi, no."

"Excuse me. Are you talking to us?" Tanong ni Ella.

"Hindi, kinakausap ko sarili ko, parang tanga lang," sarkastiko uli niyang sinabi.

Kumunot ang noo ni Ella kaya humarap na ko.

"Hi, Gurang," nakaismid niyang bati.

"Gurang? Mag... Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong ni Ella kaya tumikhim ako.

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now