Chapter 16: Safety

988 39 1
                                    

(Marie's POV)

Aaminin kong nasaktan ako pero wala naman na akong magagawa saka di naman talaga nag e-expect na magustuhan niya rin ako pabalik. May girlfriend na siya. Maganda at mukhang mabait. Samantalang ako, 20 year-old na pero brat pa rin. Pero wala akong babaguhin sa ugali ko para magustuhan lang.

Napakamot ako sa noo ko. Naiinis ako sa nararamdaman ko ngayon. Ba't ba ako naiinis sa sarili ko? Andami ko pang insecurities sa katawan. Hays, makaligo na nga lang.

Tamad akong bumangon, diri-diritsu pumasok ng cr at naligo.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na agad ako. Nadatnan ko si manang na naghahain ng agahan.

"Oh hija, kain ka na."

Tumitig ako sa mesang puno ng pagkain kahit ako lang naman mag-isa na kakain.

"Oh siya, maupo ka na at sasabayan kita."

Bahagya akong ngumiti, naupo at nag-umpisa nang kumain. Panay naman tanong ni manang sakin patungkol sa school.

"Hija, okay ka lang ba? Ba't parang ang tahimik mo?"

Ngumiti lang ako sa tanong ni manang saka umiling. Tumayo naman siya at lumipat ng upo, sa tabi ko.

Hinaplos niya ang buhok ko at tinanong uli ako. Napabuntong hininga ako.

"Wala po talaga manang, okay lang po ako."

"Naku, ayaw ko nang tahimik na ikaw ha. Kahit na sabihin ng ibang tao na brat ka o di kayay panget ang ugali, atleast masayahin ka at may paggalang pa rin sa mga nakakatanda."

Ngumuso ako sa sinabi ni manang.
"Sinisinghalan ko nga si daddy eh."

"Hija, ako ang nag-alaga sayo. Kilala kita saka lumaki ka sa puder ng lolo't lola mo, maayos ka nilang napalaki. May bahid lang ng tampo ang puso mo pero narealize mo naman lahat diba? Humingi ka nang tawad at ngayon, okay na kayong dalawa."

Hinawakan ni manang ang mukha ko at tumitig sa mga mata ko.

"Tandaan mong isang mabait na bata ang napalaki ng lolo't lola mo at syempre ako rin. Pasaway ka man, matigas at mainitin ang ulo pero alam kong mabait kang bata."

Ngumiti ako sa sinabi ni manang. Mabait ako sa sariling kong paraan pero kasi... Hays, erase wag ko na lang isipin ang sinabi niya.

"Mauna na po ako manang, mukhang late na naman ako ngayon."

"Oh, siya mag-ingat ka."

Kinuha ko na ang bag ko saka patakbong lumabas ng bahay. Nadatnan ko namang naghihintay si agent T. Pinagbuksan niya ko ng pinto.

Nakatingin lang ako sa bintana buong biyahe. Hindi ko inisip si Gurang, bahala na siya.

"Salamat po," mabilis kong sinabi bago patakbong pumasok ng gate.

Naupo ako sa isang bench habang tinatanaw ang malawak na field. Di nako papasok sa unang subject, late na rin naman ako.

Napabuntong hininga ako bago tumayo at naglakad-lakad hanggang sa madaan ako sa likurang bahagi ng CAA building. Ganito na kalayo nalakad ko? Di ko man lang namalayan. Napatapik ako ng noo. The hell.

Napalingon ako pakaliwa nang may narinig akong umungol. Napakunot-noo ako nang makitang may isang grupo ng kababaihan na pinapalibutan ang isang babae.

Anong ginagawa nila?

"Ano, angal ka pa? Huh?"

Mas lalong kumunot ang noo ko nang sampalin ng babaeng matangkad na nakasuot ng sleeveless ang babaeng pinapalibutan nila.

She's My Lady BossDove le storie prendono vita. Scoprilo ora