Chapter 1: Bodyguard

2.8K 66 4
                                    

(Marie's POV)

"Oh?" ani ko habang lumiliko sa right intersection.

"Nasaan ka na?" tanong ng kapatid kong nasa kabilang linya.

"Papunta na."

"Aish, ano na naman bang ginawa mo at natagalan ka?"

"None of your business. Geh, bye."

Di ko na hinintay ang sagot niya at pinatay ang tawag. Di kami close ng kapatid ko. Magkahiwalay kasi kaming lumaki. Siya sa America habang dito ako sa Pilipinas, sa puder ng grandparents ko kaya nga mas close pa ko sa kanila kaysa sa dad ko.

Wala naman akong pakialam dahil alam ko namang wala ring pakialam ang dad sa kung ano ang gagawin ko. Kahit makipagbasag ulo ako sa mga kantong lalaki, wala pa rin siyang pakialam. Wala kaming pakialamanan sa isa't-isa kahit na pansin kong minsan ay pinipilit niyang kuhanin ang loob ko pero ayoko nama--shit!

Agad kong inapakan ang break nang may nag-over take, huminto at hinarangan ang daan. Inis na hinampas ko ang manibela sabay mabilis na tanggal ng seatbelt at labas ng kotse. Ang init ng sikat ng araw, pinapainit din nila ulo ko. Kainis.

"Ano bang problema mo?" inis na tanong ko sa lalaking naunang lumabas ng van.

Umirap ako nang may naglabasan pang iba mula sa sasakyan nila kasama na ang lalaking hanggang ngayon ay di pa rin ako tinitigilan. Aish!

"Cassandra Marie Villafuente, daughter of Alexander Villafuente - a great business tycoon and politician. How are you?" Ngumisi siya.

Tsk, inilingan ko lang siya. Mukhang bibigyan muna nila ako ng ensayo bago makarating sa bahay.

"Get her." Bahagya akong umatras nang lumapit ang isa.

"Sumama ka samin."

"Ulol," ani ko sabay iwas at hablot ng braso niya saka pinilipit. Inikot ko siya sabay sipa ng nasa likuran at suntok ng nasa kaliwa.

Yumuko ako nang bigyan ako ng suntok nung nasa harapan ko. Pinunterya ko naman ang tagiliran niya. May humablot naman sakin mula sa likuran at tinulak ako sa kotse ko. Aray nama! Aish.

Iniwas ko ang sarili ko sa mga kamay niyang akmang hahawak sakin. Sinuntok ko ang nasa kaliwa ganun din ang sa kanan saka mabilis na umikot at sinuntok ang nasa likuran.

Sinangga naman nung unang nakarekober ang suntok na tinira ko at tinulak ako sa kotse. Mabilis uli akong kumilos at inatake ang nasa harap. Sinipa ko siya at sinuntok ko naman ang nasa kaliwa. Pero nahablot ako nung nasa kanan at tinulak uli sa kotse.

Pinilit kong kumawala sa kanya at tinuhod siya pero mabilis na lumapit ang tatlo pang kasama niya.

"Ugh! Bitiwan niyo ko!" Pinagtutulak ko sila pero agaran nilang hinawakan ang mga kamay ko.

"Langya, bitiw sabi!"

Pinagsisipa ko pa rin sila pero naramdaman ko na lang na may karayom na tumusok sa leeg ko. Putcha! Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko pero bago ako tuluyang napapikit ay nakita ko ang nakangising si Bruno.

Shit ka!

Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Mariin kong pinikit ang mga mata ko para maging maadjust ang paningin ko. Nang matanto ko kung nasaan ako ay inis na lamang akong napapadyak sa sahig habang pilit na kumakawala sa mahigpit na tali.

Aish! Nakidnap na naman ako! Katulad ng dati, nakulong sa isang kwarto pero di tulad nun na tinalian lang ako. Ngayon, pinaupo nila ako sa isang upuan at tinalian mula sa likuran. Kaasar. Kaasar talaga!

She's My Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon