Final Chapter

2K 71 25
                                    

(Marie's POV)

Naiinis na pumasok ako ng bahay. Naiinis ako sa klase ng ngisi ng Jude na yun. Naiinis ako. Wala akong pinansin ni isa habang papasok, diri-diritsu akong umakyat ng hagdan at pumasok ng kwarto.

Napaupo ako sa kama at napabuntong hininga. Ilang beses kong inalis sa isip ko ang ngisi ni Jude. Di pwede! Hindi pwede to!

Nagbihis ako ng damit bago nahiga sa kama at pumikit pero agad ding napamulat nang maalala ang nangyari sa parking lot kanina. Hahalikan niya sana ako! Pakshet! Nabalingkawas ako ng bangon nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa labas. Aish.

"Wait," sigaw ko.

Inayos ko muna ang buhok bago naglakad palapit sa pinto at binuksan.

"Hi," nakangiting bati ng isang salot sa lipunan.

Sinamaan ko siya ng tingin saka siya pabagsak na sinarhan. Langya. Ba't nakapasok ang gagong yun sa bahay? May kumatok uli pero di ko pinagbuksan pero nang marinig kong boses pala ni Kuya ay pinagbuksan ko.

"Kailan ka pa dumating?" kunot noo kong tanong.

"Kanina at di mo man lang kami pinansin ng ate Aerika mo."

Bahagya akong ngumiti saka nagpeace sign. "Anong kailangan mo?"

"Can we talk?"

"Nag-uusap na tayo," pilosopo ang tono na sagot ko.

Tinitigan ko siya. Ang seryoso na naman niya at mukhang seryoso rin ang pag-uusapan namin.

"Okay? Pasok."

Sinara ko ang pinto. Diri-dirtsu naman ang lakad niya at naupo sa couch. Naupo naman ako sa harap niya.

"So, anong pag-uusapan?"

"Jude."

Kumunot ang noo ko sa unang salita na lumabas sa bibig niya. Tsk.

"Wag ka ngang magsalita ng bad word."

"Gusto mo pa rin siya."

Okay. Di siya nagtatanong, statement ang sinabi niya.

"Hindi na." Mariing ani ko.

As if namang aamin ako sa kanya. Okay na ko dun sa una. Ako ang umamin, ako lang din naman ang nasaktan. Puno na ko, natuto na ko.

"Denial ka pa, kita naman sa mukha at actions mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ko. What the hell?

"Hindi kaya!"

"Denial ka ngayon kasi ikaw ang unang umamin noon," nakangisi niyang sinabi. Nanlaki ang mga mata ko.

"Anong sinabi mo?!"

"Do I need to repeat myself?" ganting tanong niya. Tinaasan niya pa ako ng kilay.

What the hell. Walangyang Gurang na yun. Sinabi niya? As in lahat? Pati yung... shet.

"He told us about your confession."

"That was two years ago. Nagmove on nako," ani ko sabay iwas ng tingin.

"No, you haven't. I know you still like him."

"Di na kaya," mabilis na sagot ko.

"Then, why can't you talk to him. Be casual. Yung hindi mo siya sinusuntok. Yung tamang usap lang, walang physicalan."

"Akala mo naman madali ang bagay na yan. Hell, remember, he broke my pretty little heart and I hate him."

"Exactly."

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now