Chapter 7: Takas

1.1K 42 4
                                    

(Marie's POV)

Matapos yung nangyari kahapon, back to square one na uli kami ni Gurang. Di ko alam pero natamaan na yata ako ng hiya. Kahapon, like what the hell! Talagang inaya ko pa siyang maligo ng ulan. Plus, yung feeling ko pa kahapon... Pumikit ako nang mariin at umiling. Nababaliw na yata ako.

Napaayos ako nang tayo nang may narinig akong tumikhim. Pagkamulat ko ay nasa harap ko na pala si Gurang with his signature - cocking his right eyebrow. Tinulak ko nga patagilid saka pumasok na sa loob ng kotse.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Panaka-naka ko naman siyang tinitingnan, agad na mag-iiwas at titingin sa labas. Napakagat labi ako. Talaga bang nabaliw na ko? Umiling ako bago binuksan ang pinto at lumabas.

"Bye Gurang," mabilis na paalam ko sabay takbo.

As usual, nagsimula ang klase at di ako nakikinig. Panay lang ang sulat ko sa papel at nag-iisip ng ideya kung paano makatakas mamaya.

"Miss Villafuente."

Tumingin ako sa harap nang tawagin ang apilyedo ko. Pinagmasdan ko si Prof Hena na nakatakas ang kilay at nakahalukipkip.

"Elaborate the saying written in the board."

Binasa ko naman pero kumunot lang ang noo ko.

"Wala akong sagot, Miss." Simpleng sagot ko at muling tumingin sa labas ng bintana.

Narinig ko namang nagtawag ng ibang pangalan si Prof. Napasimangot ako. Ba't di niya ko pinalabas? Kaasar.

Nakahinga ako nang maluwag. Natapos din sa wakas ang klase. Mabilis naman akong tumayo at lumabas ng room. May ilan akong nabangga pero wala akong pakialam. Diri-diritsu lang ako sa paglalakad.

Napangiti ako. Sa wakas, may two hours vacant time ako ngayon pero di ko gagamitin sa kung saang bagay. Matutulog muna ako, mag-iipon ng lakas.

Huminto ako sa mini-park ng school at tiningala ang isang puno. Perfect place para magpahinga.

Napangisi ako at nagsimulang umakyat. Nang makaayos, agad akong humiga at pumikit.

Nagising ako bandang onse ng umaga, pumasok ng klase. Pero nabagot ako kaya di na ko pumasok sa huling subject. Ngumisi ako nang sobrang laki. Ngising tagumpay to. Sa wakas, malaya na naman ako.

Natakasan ko si Gurang, yohoo! Ngayon, Malaya akong makakapunta sa pupuntahan ko... ng mag-isa.
Masaya akong naglakad pero agad ding gumuho nang may humarang sakin. Nabura ang malapad kong ngiti.

"Kayo na naman?" Bored kong tanong at pinagtaasan sila ng kilay.

"Ang yabang mo talaga no?"

"Bakit? Masyado ka bang nasaktan sa ginawa ko sayo nung nakaraan nating kita? Ba't ba kasi ayaw nyong tanggapin na weak kayo at hindi niyo pagmamay-ari ang ilang eskinita sa lugar na to." Mahabang sinabi ko.

Akmang may sasabihin pa si Poknoy- payat na lider kuno nila, inunahan ko siya. Nagsalita uli ako.

"Oy, magpasalamat kayo ang haba ng sinabi ko at pagtutuonan ko na naman kayo ng oras ngayon."

"Tama na, yabang mo. Tingnan natin kung kayanin mo kami. Dahil masyado kang pakialamera, eto ang babatbatin mo."

"Ows, talaga? Eh di wow," pang-aasar ko.

Mukhang nainis si Poknoy at agad na suminyas. Lumapit yung walong kasama niya at pinalibutan ako.

"Ngayon, siguraduhin niyong may batbat kayo ha. Baka naman, yung mahihina lang sa inyo ang kaya niyo gaya nung nakaraan."

She's My Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon