Chapter 4: GPS

1.4K 47 3
                                    

(Marie's POV)

Mabilis na nagmartsa ako papasok ng bahay, diritsu sa opisina ni dad. Buti na lang day off niya kaya makakausap ko agad siya ngayon.

Walang katok katok na pumasok ako sa loob nang madatnan ko ang ayos ng ama ko. Kahit na sanay nako sa mga nakikita ko patungkol sa mga ginagawa niya ay nagugulat pa rin talaga ako. Tsk.

Mabilis akong tumalikod. Narinig ko namang tumikhim si dad. Sinamaan ko naman ng tingin ang babae papalabas ng room.

"You didn't knock," seryosong puna niya sakin.

"You didn't lock the door," sarkastikong sagot ko sa kanya.

Pumikit nang mariin si dad bago ako tinanong kung anong kailangan ko.

"Pati ba naman sa school, ha?!" Inis na sinabi ko.

"Ano bang problema?"

"Hell dad! Diba sinabi ko na ayokong may nakasunod sakin sa loob ng school. Sinabi ko na sa inyo yan noon pa pero inulit niyo pa rin!"

"Lower your voice Cassandra Marie," mariing sinabi niya kaya napatahimik ako.

"Okay, ano bang gusto mo?" Kalmado na niyang tanong.

"Boss ka niya at boss na niya rin ako diba?"

"Practically yes. Anak kita kaya boss ka na rin niya."

Nilingon ko ang taong nakatayo na ngayon sa gilid ng pinto. "Gurang, narinig mo yun?"

"Cassandra. Bakit mo tinatawag sa ganoong pangalan si agent K9. Mas matanda siya sayo kaya respetuhin mo." Galit na panenermon niya.

"Kaya nga. Mas matanda kaya gurang na siya. Anyway, kung may order ka, may order din ako. Una, ayokong makita pa ang mukha niya sa loob ng school or else hindi na ko papasok. Pangalawa, ayokong lagi siyang nakabuntot. Yung iba, pag may naisip na ko." Mahabang litanya ko sabay talikod at mabilis na lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko ng hagdan, nadatnan ko naman sina Lolo't Lola na nakaupo sa couch kaya medyo nawala ang nararamdaman kong pagkairita.

"Hi Lo, La."

"Oh, apo. Ang aga mo yatang umuwi?"

Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Naupo ako sa gitna nilang dalawa saka humalik sa kanilang pisngi at yumakap sa baywang ni Lola.

"Oh, nanglalambing ba ang apo kong maganda." Natatawang sinabi ni Lola habang hinahaplos ang buhok ko.

"La."

"Ano yun apo?"

"Lo, yakapin mo rin ako."

"Ay naku! Malaki ka na Cassandra ha, para ka pa ring bata kung kumilos."

Umayos ako nang upo at napanguso.

"Aysus, nagpapacute."

Kinurot ni Lolo ang pisngi ko saka ako niyakap ganun din naman ang ginawa ni Lola.

"Nga pala apo, aalis muna kami ng Lola mo. Magbabakasyon."

"Ha? Edi maiiwan akong mag-isa rito Lo. Sama ako."

"Aysus, di ka naman nag-iisa. Nandito naman ang Papa't Kuya mo. May mga bodyguards pa't kasambahay," ani Lola. Napapadyak naman ako sa sahig.

"Lola naman eh. Di ako sanay."

Natatawang niyakap ako ng dalawa.

"Masasanay ka rin saka dalawang buwan lang naman."

"Ang tagal naman niyan La," kunot noong reklamo ko.

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now