Chapter 9: Falls

1.1K 44 1
                                    

(Marie's POV)

Ilang araw na ang lumipas mula nung dinala ako ni Gurang sa beach at ngayon bagot akong nakaupo sa back seat ng kotse habang naghihintay sa kanya. Ang tagal naman kasi niya, kainis.

Weekend at papunta kami sa bahay ni Manang. Umuwi kasi siya nung isang araw dahil may sakit ang anak niya at nitong huli, nadapuan din siya ng sakit kaya bibisitahin ko siya. Matagal tagal na rin naman akong hindi nakakapunta sa probinsya nila Manang kaya medyo excited ako.

Nakasimangot na tiningnan ko si Gurang na ngayon ay nakaupo na sa driver seat.

"Ang bilis mo ha, sobra," sarkastikong sinabi ko.

Tiningnan lang niya ko sa rearview mirror at pinagtaasan ng kilay then binuhay na niya ang makina ng kotse. Gurang talaga, tsk.

Limang oras ang biyahe kaya wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumunganga, patingin-tingin sa labas, sound trip at matulog.

Ayaw naman akong kausapin ni Gurang at mas lalong ayoko ring makipag-usap sa kanya. La naman siyang kwentang kausap, eh. Gurang na nga kasi, tsk.

Naalimpugan lang ako sa pagkakatulog nang makarinig ako ng ingay mula sa labas. Pinagmasdan ko si Gurang na nagtatanong sa isang lalaki. Tsk, ba't pa siya nagtanong eh alam ko naman kung saan ang eksaktong bahay nila Manang. Kung ginising na lang kaya niya ako.

"Sige po. Maraming salamat."

Isinara na niya ang bintana at nagmaneho uli.

"Malayo-layo pa ang bahay nila Manang. Lungsod pa to, dun sa baryo ang sa kanila." Ani ko nang di nakatingin sa kanya.

"Okay."

Limang minuto lang, mas dumami na ang nadaaan naming puno.

"Wala pa?"

"Liko ka diyan sa kaliwa."

Sinunod naman niya ang sinabi ko. Binuksan ko ang bintana at pinagmasdan ang mga bahay. Ang alam ko, may gate sila Manang na kulay blue.

"Wala pa?"

"Stop." Mabilis na sinabi ko sa kanya.

Mukhang eto na yata bahay nila. Binuksan ko na lang ang pinto at lumabas. Lumabas din si Gurang.

"Tao po!" Sigaw ko.

"You sure na dito ang bahay nila?"

"Sa pagkakatanda ko."

"Tsk."

Nilingon ko siya saka inirapan.

"Tao po!" Sigaw ko uli.

"Sino po sila?"

Sa wakas may lumabas din. Isang babaeng mukhang kasing edad ko lang.

"Ahh, bahay po ba to ni Manang Tess?"

"Ah, oo. Eto nga. Wait lang ha, tawagin ko lang si Nanay."

Hinarap ko naman si Gurang.

"Oh, ano ka ngayon? Sabi nang alam ko eh."

Tinaasan na naman niya ko ng kilay kaya napaismid ako. Kaasar to, baklang Gurang, tsk.

"Cassandra? Hija! Hala, anong ginagawa ninyo rito?" si Manang na nagmamadaling lumapit sa gate at pinagbuksan kami.

"Teka, wag kayong magmadali Manang. Diba, may sakit kayo? Baka mas mabinat pa kayo."

"Hay, naku. Okay na ako, nawala na ang lagnat ko kaninang umaga."

"Kahit na po."

"Hala, pasok kayo."

Sumunod naman kami kay Manang papasok sa bahay nila. Gaya ng dati, simple pa rin pero maganda at malinis sa loob. May second floor ang babhay nila Manang at maraming bulaklak ang nasa labas. Orchids at ang ganda lang tignan dahil namumulaklak na halos lahat.

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now