Chapter 8: Actions

1.1K 40 2
                                    

(Marie's POV)

"Hoy, Gurang. Ba't tayo nandito?" nakataas ang kilay na tanong ko nang makalabas sa loob ng sasakyan.

Kagagaling lang namin sa University pero instead na sa bahay kami dumiritsu ay dito niya ko dinala. Hinawakan ko ang dulo ng buhok ko dahil nililipad ito ng hangin.

"Malungkot ka kagabi," simpleng sagot niya.

Napasimangot ako. Kaasar, ba't ba kasi niyakap ko pa siya at talagang nagkwento pa ko. Yun lang naman pala ang rason kung bakit pick-up ang dinala niyang sasakyan.

"Di ah."

Nilingon naman niya ako at tinaasan ng kilay. "Okay."

Napakunot-noo ako. Binuksan niya ang driver seat kaya nataranta ako.

"H-hoy! Gurang! A-anong ginagawa mo?"

"Di ba ayaw mo?" Nakataas ang kilay na sinabi niya.

"Bakit? Sinabi ko bang ayoko?" Inis na sagot ko.

"Your actions."

"Di ah." Nakasimangot na sinabi ko.
Sumampa ako sa edge ng pick-up at naupo.

"Ibang rason pa Gurang."

"Wala ng ibang rason."

"Tse, Gurang ka talaga." Asar na sinabi ko.

Tumalon ako mula sa pick-up saka tinanggal ang suot na sapatos at patakbong lumapit sa paanan ng dagat. Napangiti ako. Kahit papano, nawawala ang lungkot na nakatago sa dibdib ko.

Napabuntong hininga ako. Ilang taon na nga ba nung huling punta ko sa dagat? Noon, ilang beses akong dinadala nila Lolo't Lola rito pero nung tumuntong ako ng high school, di na ko nakakasama sa mga lakad nila.

Lumingon ako at tinawag si Gurang. Nanatili naman siyang nakatayo lang malapit sa sasakyan kaya napasimangot ako.

"Gurang, lika nga rito!" Sigaw ko uli.

Umiling uli siya kaya wala akong choice kundi lapitan siya.

"Ikaw nagdala sakin dito kaya samahan mo rin ako dun," hinila ko siya pero hindi siya nagpatinag. "Samahan mo ko ron and it's an order coming from your boss." Seryosong sinabi ko pero ang Gurang tinaasan lang ako ng kilay.

"Ano ba!" Asar na sigaw ko.

Napasimangot uli ako at pinagsusuntok ang braso niya.

"Fine."

Napangiti ako ang tanggalin niya ang sapatos na suot at naunang naglakad sakin. Patakbo akong humabol at hinawakan ang kamay niya.

Hinila ko siya para mabasa naman siya pero ang tigas niya.

"Gurang," naiinis na ani ko.

Hinila ko uli siya at muntikan na kong ma-out balance nang biglang siyang tuminag at naglalakad papalapit sakin buti na lang maagap siya. Nahila niya ang kamay ko kaya bumagsak ako sa dibdib niya.

Shit. Awkward. Tumikhim ako at humakbang palayo sa kanya. Ngumisi ako nang may naisip na ideya. Mabilis akong yumuko at kumuha ng tubig saka sinaboy sa kanya.

"Hey, stop!" pigil niya sakin. Umiling lang ako. "Isa."

La akong paki.

"Dalawa."

Wala akong narinig.

"What the hell!" Gulat na sigaw ko.

Langya. Sinabuyan niya rin ako ng tubig. Inis akong napapadyak.

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now