Chapter 5: Model

1.3K 43 3
                                    

(Jude's POV)

Tahimik lang siya sa likuran. Seryosong nakatingin lang din naman ako sa daan at panaka-nakang sumusulyap sa rearview mirror.

Nakasimangot at kunot ang noo na nakahalukipkip siya sa likuran. Sa labas ng kotse lang din ang tingin niya. Napabuntong hininga ako bago nag pull over sa tabi ng kalsada.

Okay, mukhang nasobrahan yata ako kanina. Nasigawan ko siya at nung di siya tumigil sa pagmamatigas ay sinigawan ko siya ng "shut up".

Napapikit ako nang maalala ko ang gulat niyang expression sa mukha. Hindi ko dapat ginawa yun, langya. Nagbuntong hininga uli ako bago humarap sa kanya.

"Sorry." Seryosong sinabi ko pero di naman niya ko tiningnan."Mali na sinigawan kita ."

Still, di niya ako tiningnan pero nagpatuloy ako.

"Nagalit ako dahil buong maghapon kitang hinana--"

"Di ko sinabi sayong hanapin ako," inis na pagputol niya sa sasabihin ko.

"Yeah but I'm your bodyguard--"

"Na hindi ko naman hiniling."

"Can you please listen to me first?"

Nang di siya sumagot ay nagpatuloy ako.

"Sana isipin mo naman ang imahe mo sa mga taong nakakikita sayo o nakakasalamuha mo lalo na't tatakbong Governor sa susunod na election ang dad mo. Kung aalis ka lang ng mag-isa, maaaring mapahamak ka--"

"I can take care of myself," mariing pagputol na naman niya sa sinasabi ko.

"Then, how could you explain to me the incident that recently happened to you?"

Di naman niya ko nasagot.

"Di mo ba ramdam na dahil sa sitwasyon ng pamilya mo, mainit ka sa mga mata ng ibang tao at pwede ka nilang gamiting para di matuloy sa pagtakbo ang dad m--"

"Blah, blah, blah. Wala akong pakialam. Basagulera nga ako eh saka ang daldal mo naman. Nonsense naman niyang sinasabi mo. Magdrive ka na nga lang, " inis na sinabi niya kaya napikit na lang ako.

Mariin kong itinikom ang bibig. Napailing na lang ako saka umayos nang upo at matiim na tumitig sa daan. Di ko pa binubuhay ang makina. Napabuntong hininga ako.

"Kung gusto mong umalis, kahit saan man yan sasamahan kita. I'm your bodyguard and you're my responsibility."

Pagkarating namin sa bahay nila ay sinalubong agad kami ni Q1 at ng ilang kasambahay pero di ko sila sinagot. Pinagmasdan ko lang siyang diri-diritsung tinahak ang hagdan.

"Anong nangyari chief, ba't nagabihan kayo?"

Umiling lang ako saka nagpaalam. Umakyat ng hagdan at dumiritsu na rin sa kwarto ko. Pagkalapag ko ng phone sa mesa ay sakto namang tumunog ito.

"Hi, Hon! Good evening, nakadisturbo ba ko?" bungad sakin ng girlfriend kong si Ella. Napikit ako at napahilot sa sintudo.

Great Jude! Ang galing mo. Talagang girlfriend mo pa ang tumawag sayo.

"No. Katatapos lang ng trabaho ko. Sorry, di kita natawagan, masyado akong tutok sa trabaho."

"It's okay Hon, I miss you. Anyways, dahil nakalimot ka, kailangan mong bumawi so let's go out! Kailan ka pwede? Kung okay lang sayo, gusto ko sana ngayong week."

"Sorry Hon, I'm not available within this week."

"Okay, I undertand."

Napapikit ako. Kahit na inintindi niya ko, nahimigan ko pa rin ang pagkadismaya sa boses niya.

She's My Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon