Chapter 10: Audition

1K 30 2
                                    

(Jude's POV)

"Aalis ka?" Seryosong tanong ni Sir.

"Yes, Sir." Magalang na sagot ko.

"Important?"

"Yes, Sir."

"Urgent?"

"Yes, Sir."

Tumango-tango siya bago ako pinayagan.

"I'll be back before four. I'll be the one to fetch her Sir."

"Okay, you can go now."

Bahagya akong tumango saka mabilis na lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko naman si Cas.

"Tara na?"

"Iba ang maghahatid sayo, sagot ko at nilagpasan siya.

Mabilis ang kilos na bumaba ako ng hagdan at pumasok ng kotse. Agad kong binuhay ang makina at pinaharurot pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng gate ay nakita ko siyang nakatayo sa labas ng bahay at nakatingin sakin?

(Marie's POV)

Nakatingin lang ako sa labas ng kotse habang patungong University. Napasimangot ako nang maalala ko ang Gurang na yun. Grabe siya, yun lang talaga ang sinabi niya at nilagpasan ako. Naikuyom ko ang mga palad saka napasigaw sa inis.

"Aish!"

Shit, aray ko. Napahawak ako sa noo kong nauntog sa unahan.

"Miss, may problema po ba tsaka okay lang po ba kayo?"

Aish, mukha ba kong okay? Takte, ba't kasi bigla-bigla na lang nagbreak.

"Ba't ka nagbreak!" Inis na singhal ko.

"Eh, bigla po kayong sumigaw, nagulat ako saka nandito na po tayo."

Shit. Napapikit ako sa inis. Kaasar! Sobrang nakakasar!

Walng imik na lumabas na lang ako ng kotse. Huminto ako sa paglalakad at naupo sa sementong bench.

Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang ibang studyanteng naglalakad. Pinagmasdan ko rin ang malawak na field kung saan may mga naglalaro.

Langya. Wala akong ganang pumasok.

"Hey, Cassandra. Di ka pa papasok?"

Nag-angat ako ng tingin at pinagtaasan ng kilay ang isa kong kaklase sa Philo. Yung ngiting pinakita niya ay bigla yatang na-freeze nang makita ang expression ng mukha ko.

"Hindi," plain kong sagot saka muling ibinaling ang tingin sa field.

"O-kay," di siguradong sagot niya.

Ugh. Inis akong napapadyak nang di mawala sa isip ko ang Gurang na yun, kaasar. Aish, kailangan kong humanap ng pampalipas oras. Akmang tatayo na ko nang biglang may tumama sakin.

Hell! Ilang beses ba kong matataman ng kung ano sa araw na to?

"Miss, sorry."

"The hell, sakit nun ha tapos sorry lang!" Inis na sigaw ko.

Tumingin ako sa direksiyon niya. Pinulot niya ang bola saka nagsorry uli. Inis akong tumalikod at naglakad. Gwapo sana, gago lang. Inis na hinawakan ko ang likod ng ulo ko at hinimas. Kung nandito lang si Gurang baka natamaa--- aish! Ano ba tong iniisip ko, langya.

Mabilis akong naglakad patungong gym. Hinagis ko lang ang gamit ko saka kumuha ng bola at nag dribble. Maglalaro na nga lang ako.

Drible lang ako nang drible at shoot sa ring. Iniisip kong may kalaro ako saka nagshoot. Paulit-ulit lang ang ginawa ko hanggang sa mapagod ako at napaupo sa sahig. Aish, gutom na ko.

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now