Epilogue: Game Over

372 17 7
                                    

The Murder Mystery (Game Series #1) has ended! Thank you for reading and supporting this story! I dedicate this story to the 12 GAS SAMSON and to my friends the Nyakulkids. They are my inspiration in writing this story. I also want to thank my friends for pursuing me in writing and also made an effort for taking the time to solve the codes! Please read the next season of this story entitled, Never Have I Ever (Game Series #2). God bless! :)

Chloe's point of view

"Congratulations Graduates of Batch 2020-2021!"

Ilang buwan din ang nakalipas matapos ang trahedyang patayan sa paaralan namin. Hinding-hindi malilimutan ang mga estudyanteng naging mga biktima dito... at ang taong nasa likod ng patayang ito, si Rose Peralta.

Naabutan siya ng mga pulis na patay na sa loob ng Library Building. Ayon sa kanila ay nagpakamatay daw si Rose dahil sa mga kasalanang ginawa niya.

Namatay din si Bryan dahil pinatay siya ni Rose, ang killer ng laro nilang Murder Mystery sa 12-Alvarez.

Si Shine Madrigal ay patay na din katulad ni Bryan. Binaril siya ni Rose.

Katulad nila ay namatay din ang kaklase nilang si Allan na nasa labas ng room ang katawan.

Si Mrs. Alvarez naman ay naka-confine sa isang Mental Institute dahil na-trauma siya sa mga nangyari at sa ginawa sa kanya ni Rose. Ang dami niyang pasa mula sa mukha at katawan niya. Lahat ng yun ay kagagawan ni Rose.

Natagpuan din ang katawan ni Patricia sa sumunod na room kung saan sina Drey. Katulad ni Mrs. Alvarez ay nakatali din siya sa isang upuan at may tape sa bibig. May tama ng baril sa kanyang noo dahilan para mamatay siya.

Halos hindi kami makapaniwala na isang estudyane lamang ang may gawa ng lahat ng ito! Sa lahat ng patayan, sa pagsusunog ng building, sa paglason ng mga estudyante, sa pananakot at iba pang mga brutal niyang ginawa.

"Chloe! Tara, picture tayong lahat!" pagyayaya ni Janella sakin.

Agad akong sumali sa kanila para sa picture. Kulang kami ng isa. Kung andito lang sana siya ay mas masaya ang Graduation namin.

"Insert Keisha!" nakangiting sabi ko habang nakatingin sa camera ng Nanay ni Janella.

Tumawa ang mga kaibigan ko at sinabi din ang sinabi ko.

"Insert Keisha!" sigaw naming lahat matapos kaming kuhanan ng picture.

Isang himala na nabuhay at naka-survive ang mga kaibigan ko sa mga pangyayari.

Nung dumating ang mga pulis ay naabutan nilang duguan si Janella. Buti na lang ay may kasama silang medical team para magamot agad si Janella at madala sa ospital.

Ganun din ang nangyari sa mga kaibigan ko. Humihinga pa si Drey kaya agad siyang dinala sa ospital, katulad niya ay ganun din sina Kean, Dwaine at Arthur kahit dalawang beses silang pinaputukan ng baril ni Rose.

Si Harris ang kritikal sa kanila. Laking pasasalamat namin dahil naka-survive si Harris! Akala talaga namin ay mamamatay siya!

Nalaman din namin mula kina Drey na si Keisha daw talaga ang dapat na maging killer tapos ay si Rose naman ang cop. Pero dahil gustong gumanti ni Rose gamit ang laro nilang Murder Mystery ay pinatay niya si Keisha para siya ang maging killer. Para umayon sa plano niya ang paghihiganti at mas mapadali.

Sinabi din samin ni Drey ang rason ni Rose para gawin ang lahat ng yun. Gusto niyang maghiganti. Ang lahat ng mga hinanakit niya sa buhay ang nagdulot sa kanya ng mga ito at dumating sa punto na kinabaliw niya sa huli. At niloko pa daw sila nito nun at sinaksak ang sarili gamit ang dala na kutsilyo para hindi siya paghinalaan na siya ang tunay na killer.

Murder MysteryWhere stories live. Discover now