Chapter 12: Argument

208 15 0
                                    

Janella's point of view

"Ma'am, you also need to rest..," mahinang sabi ni Bryan.

Tumango lang ito at ngumiti ng pilit. "I will... for now, hihintayin ko muna ang mga parents ng mga kaklase ninyo..," umalis siya at pinuntahan ang Principal namin para kausapin ito.

Nakita kong paparating naman sina Stella, Suzy at Chloe.

"Kumusta kayo? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Suzy.

"Nilason ng killer ang mga kaklase namin. May lason sa pagkain buti na lang hindi namin kinain."

"My gosh!" napahawak pa si Suzy sa ulo niya.

"Hindi na biro yan. Ang dami ng namatay," sabi ni Stella.

"May suspect na daw ba?" tanong ni Chloe.

Tumango si Dwaine. "Isa daw sa mga estudyanteng nag distribute ng mga pagkain."

"Pero pwede din na isa lang din sa mga kaklase natin para pagbintangan ang mga nagdistribute," sabi ni Bryan. Tiningnan sila ni Bryan ng seryoso. "Huwag niyo ng idamay ang sarili niyo dito. Ang sabi ng killer ay walang ibang estudyante na sa ibang section ang madadamay dito. Kung hindi, papatayin niya."

Nakita ko namang namutla si Chloe. Dahil na rin isa siya sa mga pinagsabihan ng killer na huwag nang makialam sa gulo.

Napatingin ako kay Harris na seryosong nag-iisip. Siya talaga ang suspect ko, simula nung nahimatay ako sa library building dahil nakita ko ang katawan ni Diane ay siya agad ang nakahanap sakin.

"Janella, may hindi ka ba sinasabi samin?"

Napahinto ako at inangat ang tingin kay Stella. "Huh?"

"May nakakita sayo nung Biyernes. Anong ginagawa mo sa Macrohon Street?" seryosong tanong niya na nagpakaba sakin.

Shit! Saan niya nalaman yun?

Ang Macrohon Street ay ang street na kung saan madaming nagsusuntukan ang mga estudyante. Doon ang rambulan place nila kaya wala masyadong dumadaan doon.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Kean at napatingin din sakin para hinatayin ang sasabihin ko.

Lahat sila ay nakatitig sakin para malaman ang isasagot ko.

"Are you... the killer?" tanong ni Drey.

Agad akong tumayo para sigawan siya. "No!"

Napatingin tuloy ang ibang mga tao samin.

"Lower your voice," matigas na sabi ni Harris sakin.

Tiningnan ko siya ng masama. Bakit ako ang pinagbibintangan dito?! Bakit hindi siya?! He's the most suspicious among all of us!

"Kung ganon anong ginagawa mo sa Macrohon Street ng 5pm nung Biyernes? Ang araw na dapat kasama mo si Keisha pauwi?" malamig na tanong sakin ni Stella. "Nakita ka ng kaklase namin. You were there alone. What were you doing?"

"Are you the one who killed Keisha?" hindi makapaniwalang tanong ni Chloe.

I sighed. "No! Fine! I give up! Nandun ako kasi hinihintay ko ang boyfriend ko! I already have a boyfriend!"

Nalaglag ang mga panga nila sa sinabi ko. This is the reason why I can't tell them! Alam kong paghihinalaan nila ako at alam ko ring magtatampo sila dahil hindi ko sinabing may jowa ako.

"The fuck?" gulat na gulat na sabi ni Dwaine.

"And you didn't even bother to tell us?" gulat na gulat na sabi ni Suzy.

Murder MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon