Chapter 17: George

206 14 0
                                    

Highest rank: #17 in Codes. Thank you so much for reading and supporting this story! 

Drey's point of view

Ilang araw ang dumaan at tapos na ang finals namin. Ngayon naman ay camping week, tapos na ang ibang sections sa kanilang camping kaya kami naman ngayon. Today's the scheduled date para sa 12 Alvarez sa camping for 2 days. Tulad sa ibang section tanging ang adviser at mga students lang ang nasa camping kaya hindi na kami nag-eexpect ng ibang teacher at ibang students na andito.

Humikab ako dahil sa antok na nararamdaman ko. Napuyat kasi ako dahil sa kakasolve ng riddle na yon.

Friday in the morning of 9 AM ay nandito na ako sa open field ng school, wala pa ang iba pero nandito na ang mga kaibigan ko. Kumpleto na rin kami at naka set-up na ng tent.

Ang mga magshare ng tent ay kaming dalawa ni Arthur. Sina Kean at Dwaine, sina Bryan at Harris tapos ay si Janella ang sa iisang tent.

"Seryoso ba kayo na ako lang talaga ang mag-isa sa tent?" hindi makapaniwalang tanong niya samin.

"So anong gusto mo? May tatabi sayo na isa samin? Okay sige! I volunteer!" sabi ng pinakamanyak samin.

"Gago ka talaga, Arthur," natatawang sabi ni Kean.

"Ako na lang, Janella."

Napatingin kami kay Shine na nakalapit na pala samin. Hindi ko siya napansin ah.

"S-Shine?"

"Nagdala ako ng tent," nakangiti niyang sabi at sinulyapan ako bago binalik ang tingin kay Janella.

"S-Sige, uh, tent ko na lang ang gamitin natin nakatayo na kasi eh."

"Sure, ipapahiram ko na lang tong tent ko sa iba pa nating classmates," masayang sabi niya at umalis.

"Ba't biglang naging friendly yun?" nagtatakang tanong ni Dwaine.

"Creepy," sabi ni Bryan.

"Baka siya ang killer?" dagdag ni Kean.

"Stop it! Baka nakakalimutan niyo na siya ang katabi kong matulog ngayong gabi!"

Natawa kami sa sinabi niya. Kawawa naman to.

21 classmate ang namatay... 19 na lang kami ngayon sa 12 Alvarez. Nung nalaman ni Mrs. Alvarez ang pagkamatay ng apat na kaklase namin nung Palaro ay hindi talaga naging maayos ang reaksyon niya. Naiintindihan din naman namin siya dahil pakonti na kami ng pakonti ngayon.

Now, we spent the day laughing and doing different activities. Parang team building na rin. Siguro plinano talaga to ng SHS Department para malimutan namin ang mga trahedyang nangyari.

Hindi rin naman sila nagkami dahil nag enjoy talaga kami.

Nahirapan nga lang kami sa restroom dahil maghihintayan pa para maligo. 4 PM at pumasok na ako sa tent namin para magpahinga, yung iba ay nagbabarbeque, yung iba nasa labas at hinihintay ang mga kasama nila na naliligo at yung iba ay nasa cr pa rin.

Tapos na akong maligo, sina Arthur at Dwaine na lang ang hindi pa kaya nasa cr sila ngayon. Nagpaalam naman sina Janella at Harris para matulog. Si Bryan naman ay kausap ang Mama niya sa phone. Si Kean ay tulog din.

Kinuha ko ang papel kung saan andun ang riddle. Kinuha ko rin ang phone ko para mag search ng mga code types. Mukha lang kasi siyang madali kapag babasahin mo lang dahil may pumapasok talaga sa isip mo pero hindi... kailangan mo siyang i-analyze.

Turn around once to observe,
turn around twice to perceive,
turn around thrice to believe,
Thus, it shall be Dblodb -2456.

Hmmm...

Dblodb?

Sinubukan kong iclick ang Caesar cipher dahil yun ang unang lumabas. Ang D ay letter G, ang B naman ay letter E, ang L ay letter O, ang O ay letter R, ang D ay G an gang B ay E.

DBLODB = GEORGE

What the fuck? George nga! Pero sino si George? Wala kaming kaklaseng George ang pangalan or kahit second name man lang.

Sinubukan ko naman ang numbers pero walang lumabas! Shit. Hindi ko din alam paano to idecipher. Iso-solve ba to?

-2456.

Kasama ba ang minus sign?

Pambihirang killer to, nagbigay nga siya ng clue pero sobrang hirap naman!

"Tangina," bulong ko.

Sumakit tuloy ang ulo ko. Tinago ko na lang ulit ang riddle. At least, may progress na. Alam ko na ang DBLODB at yun ay GEORGE. Yun ang kailangan kong alamin, kung sino si George!


Harris' point of view

Nagising ako dahil sa ingay sa labas na galing sa mga kaklase ko. Nagsisigawan sila at nag-aasaran, naglalaro ata sila.

Tiningnan ko ang phone ko. It's 6:55PM.

Lumabas ako ng tent habang kinukusot ang mga mata ko dahil kakagising ko lang. Tama nga ako, naglalaro nga sila.

"Harris! Kumain ka na dito!"

Nilingon ko si Mrs. Alavarez na kumakain kasama ang mga kaibigan ko, andun din si Shine na nakikipagtawanan kay Janella. Kumakain na pala sila hindi man lang ako ginising!

Binigyan ako ng paper plate ni Mrs. Alvarez tapos at umupo ako sa tabi ni Drey. Naririnig ko silang nag-uusap ni Bryan kaya nakisali ako sa usapan.

"Nasolve ko na yung code..," bulong ni Drey.

Nanlaki ang mga mata namin sa gulat.

"Talaga?" bulong ni Bryan halatang natutuwa dahil nasolve na ni Drey ang code.

"Uh... yung letters lang pero yung numbers hindi pa..."

Napasimangot tuloy kaming dalawa ni Bryan. Tae akala ko talaga malalaman na namin sino ang killer!

"Pasalamat nga kayo at nasolve ko! At least may progress na!"

"O? Ano namang ibig sabihin ng mga letters?" tanong ni Bryan.

"George..."

Kunot noo ko siyang nilingon ulit. Anong George?

"Huh? Ano ulit?" nalilitong tanong ni Bryan sa kanya.

"George."

"Anong George? Sinong George? Wala akong kilalang George!" bulong ko.

"Anong pinag-uusapan niyo?"

Napatalon kami sa gulat dahil kinausap kami ni Shine. Napagkasunduan kasi namin na huwag sasabihin ang mga detalye na nakuha namin mula sa pag-iimbestiga sa mga kaklase namin. Isa lang kasi sa kanila ang killer... mahirap magtiwala sa ganitong sitwasyon.

"Uh... w-wala..." kinakabahang sagot ko.

"May kilala ka bang George?"

Nakita kong nasamid si Bryan dahil sa tanong ni Drey kay Shine. Agad ko rin siyang siniko ng palihim. Gago talaga!

Kumunot ang noo ni Shine. "George?"

"O-Oo..."

Matagal siyang tinitigan ni Shine. Napalunok na rin ako dahil sa titig na ibinigay niya kay Drey, nakakaba yung titig niya!

Ngumuso si Shine. "Meron," natatawang sabi niya.

Nagkatinginan kaming tatlo bago namin siya tiningnan ulit. May kilala siyang George! Malalaman na namin kung sino ang killer!

"T-Talaga?! S-Sino?"

"Yung Principal natin! Ano ba kayo? Ang tagal na natin siyang Principal tapos hindi niyo alam ang pangalan niya?" natatawang sabi niya pa.

Samantalang hindi kami nakagalaw sa sobrang gulat.

"Sir George Spencer Abellon, yan yung full name niya!" dagdag niya.

All this time... yungpagpatay kay Keisha, Kiana, Diane... yung paglason sa 14 naming kaklase... atyung sa Murder Booth... siya ang may kagagawan ng lahat ng yon?!

Murder MysteryWhere stories live. Discover now