Prologue: The Game

717 29 10
                                    

I dedicate this story to Nyakulkids. :)

Keisha's point of view

"Wala daw si Ma'am!" sigaw ng Class President namin.

"Nice!" sigaw naman ng mga gago.

"Dahil masyado pa raw maaga hindi pa daw pwedeng umalis ng room. Mamayang 3 PM pa magpapalabas sa gate," seryosong sabi ni Rose, our Class President.

"Ngi! Boring naman!" reklamo ni Kobe.

"Bobo. Ayos na yun kesa may klase. May recit kaya tayo dun!"

"Gawin niyo na lang mga requirements para ready to pass na next meeting," utos ni Rose.

I agreed. Kinuha ko ang binder ko upang magsimula na.

"Pucha. Ang boring! Saturday naman bukas, madami pang oras para gawin yan!"

True. Kaya nga ngayon na dapat gawin para madaming oras na makapagpahinga bukas.

"Laro na lang tayo!" sabi ni Diane.

"Anong lalaruin?" nakakunot noong tanong ni Rose.

"Truth or dare?" suggest ni Kiana.

Agad na tumanggi ang mga kaklase kong lalaki. Sabagay, that game is too boring.

"Gusto niyong maglaro pero wala kayong maisip na laro," naiinip na sabi ni Rose.

"Gawa na lang kasi ng requirements. Tss," masungit kong sabi.

Agad nila akong tiningnan ng masama.

"May alam akong laro..."

Natahimik kami ng magsalita ang Vice President namin. He's a bit weird and really silent at all times kaya nakakagulat kapag nagsasalita siya bigla.

"It's called the Murder Mystery."

Natahimik kami. I felt something when he said that.

"Paano lalaruin?" I asked.

Tiningnan niya ako ng seryoso. Natigilan ako ng bigla siyang ngumisi. Naramdaman ko ang pagkabigla din ng mga kaklase ko sa biglaan niyang pagngisi. I sighed, this man and his weird attitude.

"The question is, do you have enough courage to play?"

Nanliit ang mga mata ko sa tanong niya.

Courage? Lol. Ang corny naman nito!

"Tsss. Hurry up and tell us about this game, you weirdo. Gusto ko ng umuwi," reklamo ni Joshua.

Nananatili akong nakatingin kay Bryan.

"Okay. But, are you sure you're willing to play this game?" seryosong tanong niya. Napatingin siya kay Rose. "You have to play it with your lives..," sunod ay napatingin siya sa aming lahat. "Are you all sure you can play... and end this game?" huminto ang tingin niya sakin.

Natahimik kami. Naabutan kong napalunok ang grupo nina Diane. Natakot yata. I'm not surprised. Sinong hindi matatakot sa weirdo na to?

"Sa larong ito; we have a cop, witness, victims, and the murderer."

"I think I heard about that game... Hindi ba't may doctor din?" tanong ni Ronald.

"In this version, wala. It's just going to be a murder case."

Natahimik ulit kami. Hindi ako pamilyar sa larong ito. I hope this is fun.

"There will be only one as the murderer or the killer, one as a cop, one as a witness and the rest will just be the victims. Since we are all 40 in this class, the 37 of our classmates will be the victims."

Murder MysteryWhere stories live. Discover now