Chapter 7: The Witness

241 16 2
                                    

Sorry for my grammatical errors! Enjoy reading!

Harris' point of view

"Yung murder mystery! Nasilipan ko ang papel na hawak niya nung araw na yun. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang role niya. I wrote our roles! Nabasa ko agad yun kahit naka-morse code pa! Siya ang killer!"

Tinulak ko siya kaya napaupo siya sa sahig.

"Gago ka ba?! Laro lang yon! At ano ngayon kung siya ang killer huh? Anong gusto mong iparating?!" sigaw ko sa kanya.

Napayuko siya. "Kung totoo ang mga multo ay iisipin kong siya ang pumapatay ngayon..," inangat niya ang tingin niya sakin at tiningnan ako ng seryoso. "Pero hindi. Namatay siya. Pinatay siya."

"Pinatay ang killer."

I am lost for words while staring darkly at him. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Kahit ang mga kaibigan ko ay nananatiling nakatitig sa kanya at prinuproseso ang kanyang sinasabi.

"Naniniwala akong isa sa 12 ALVAREZ ang killer."

"Tangina! So ano? Anong sinasabi mo?! Diretsuhin mo kami!" galit na sabi ni Drey sa kanya.

"Ang killer ay isa sa 12 ALVAREZ na dapat ay si Keisha pero pinatay siya. Kutob ko ay siya rin ang pumatay kay Kiana. He or she claims to be the killer to play the game we started," seryosong sabi ni Bryan.

"And that is?" kinakabahang tanong ni Janella.

Tiningnan siya ng seryoso ni Bryan. "The murder mystery."

Napasinghap kami sa sinabi niya. Kung ganon...

"Totoong laro na to ngayon. Buhay ang nakataya. This is the real murder mystery. Papatayin ng killer ang lahat ng victims kaya nandito ako ngayon para alamin kung ano ang mga roles ninyo sa game."

Umirap si Stella. "Will it change? Simpleng laro lang yun sa tingin mo maloloko mo kami?"

Nananatili akong seryoso na nakatingin kay Bryan. Tinatantya kung totoo ba ang mga sinasabi niya dahil alam ko sa sarili ko ay may punto siya.

"I think the killer is a psycho. He or she is too obsessed with the murder mystery game. Kaya naman if he or she is too obsessed with it, I think we can stop the killer."

"How?" seryoson kong tanong.

"Fuck! Naniniwala ka ba sa kanya, Harris?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni Dwaine.

"I can't believe this!" sabi ni Stella.

Tiningnan ako ni Bryan. "Naalala niyo yung sinabi ko? In order to win the game, the cop must catch the killer."

"Cop?" nalilitong tanong ni Suzy.

"I see. That's why you're here to find out what's our role in the game."

Tumango sakin si Bryan.

"You tell us first what's yours," hamon ko sa kanya.

Natahimik siya pero nananatili ang seryosong tingin niya sakin.

"I will tell you my role because I trust you all. I hope you trust me as well."

"But you told us not to tell our roles to anyone, even with our friends," sabi ni Janella.

Napapikit si Bryan at naiiritang tiningnan si Janella. "This is the real game! With a real killer and victims! Ayaw niyo bang mahuli ang killer para bigyan ng hustisya ang kaibigan ninyo?"

Gustong-gusto. Hinding-hindi ko mapapatawad kung sino man ang tao sa likod nito. The killer will pay for his or her crimes.

"I'm in," seryosong sabi ko.

Murder MysteryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin