Chapter 13: Eyes

217 16 2
                                    

The ending is approaching! Enjoy reading! xx

Drey's point of view

Turn around once to observe,
turn around twice to perceive,
turn around thrice to believe,
Thus, it shall be Dblodb -2456.

Kanina ko pa binabasa ang code na to pero hindi ko pa rin talaga maintindihan. Lalo na yung Dblodb -2456. Ano ba to? Address ba to?

Para masyadong mabilis ang aming pag-iimbestiga, napagdesisyon namin na maghati sa dalawang grupo. Hindi na rin namin pinayagan na madamay pa dito sina Suzy, Stella at Chloe baka ano pa ang mangyari.

Ako, si Kean at Janella para dito sa code. Sina Bryan, Harris at Arthur ang sa pag-iimbestiga sa old room namin kung saan namatay si Kiana at sa Library Building para mag-imbestiga at maghanap pa ng ibang clues. Wala naman si Dwaine dahil may date ang tukmol.

"Ang hirap. Wala akong mahanap na Dblodb -2456 sa Google!" reklamo ni Kean.

May pumapasok sa isip ko tungkol dito sa clue na to pero hindi ko siya ma-figure out.

"Tangina," bulong ko at napahawak sa ulo ko. Stress na stress na ako dahil dito sa clue na to.

"Nagtext na ba sina Arthur?" tanong ko kay Janella na busy sa ginagawang reaction paper sa Entrepreneur.

"Hindi pa."

Nag cut kasi sila ng class para mag-imbestiga sa Library Building. Hindi ko alam kung paano nila nalusutan ang mga nagbabantay doon.

"Sa susunod na araw na pala ililibing si Keisha sabi ni Suzy."

Nakakahiya ng pumunta doon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa kami dumadalaw para humingi ng dispensa.

"Pupunta tayo?" tanong ni Kean.

"Ewan ko kay Harris..."

"Mamaya na natin yang pag-usapan pag andito na sila," sabi ko at nag-focus na lang ulit sa clue.

"Anong ginagawa ninyo?"

Napaangat ang tingin ko nang makita sina Shawn, Kobe, Joshua. 23 na lang kaming lahat sa 12 Alvarez, kakaiba nga dahil sobrang tahimik ang room.

"Uh, sa Entrep to," sagot ni Janella sa kanila.

Ang sabi samin ni Bryan ay huwag munang ipaalam sa iba naming mga kaklase ang pag-iimbestiga namin. Dahil isa lang samin ang killer, mahihirapan kami lalo na't hindi din namin alam kung sino ang cop. 

Binalaan niya rin kaming mag-ingat dahil mga witness na rin kami ngayon. Masyadong importante ang roles namin sa laro na to lalo na't malakas ang kutob namin na baliw ang killer.

Speaking of killer...

Napatingin ako kay Shine na seryoso sa ginagawa niya. Saan siya galing bago siya pumunta ng Social Hall?

"Entrep ba tong ginagawa ni Drey? Hindi naman ah!" sabi ni Kobe at kinuha ang papel kung saan andun ang clue.

Shit.

"Akin na yan!"

"Turn around once to observe, turn around twice to perceive, turn around thrice to believe, Thus, it shall be Dblodb -2456? Ano to? Riddle ba to?" nagtatakang tanong ni Kobe.

Napatingin samin ang lahat ng kaklase namin. May naramdaman din akong kakaiba... parang may tumitingin ng masama sakin. Agad akong napatingin kay Shine na seryoso ang tingin sakin.

"Mahilig ka sa riddle bro?" tanong sakin ni Joshua.

Napalunok ako dahil sa binigay niyang tingin sakin. Siya ba ang killer?

Murder MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon