Chapter 18: The Cop

192 14 0
                                    

3 more chapters before the ending! :)

Harris' point of view

Shit! It makes sense! Nasa kanya ang lahat ng school records kaya may number siya ni Bryan at Chloe! Hindi siya mahihirapan sa pagkuha ng mga personal information nila dahil ang killer... ay nasa mataas na posisyon!

Nandoon din siya sa nangyaring sunog... sa Social Hall... siya din nakaisip ng mga activities tulad ng mga Booths sa Palaro... at ito, ang camping!

Hindi ako makapaniwala na ang Principal namin ang killer!

Nananatili lang akong tulala habang nakikinig kay Drey na ine-explain ang mga pangyayari sa mga kaibigan namin. Tulog na rin naman si Shine kaya nag-usap na kaming lahat.

"So si Principal Abellon nga ang killer?" hindi makapaniwalang tanong ni Janella. "Hindi ako makapaniwala!"

"Pero bakit niya gagawin yun?" nagtatakang tanong ni Dwaine. "Ano bang kasalanan sa kanya ng 12 Alvarez?"

"Naalala ko noon may issue sa kanila ni Mrs. Alvarez, nag propose siya pero tinanggihan ni Ma'am," pagkukwento ni Arthur. "Sila daw noon pero nagpakasal si Ma'am sa iba. Galit nga daw si Principal Abellon nun."

"So may motibo siya," mahinang sabi ko.

Natahimik kami. Hindi pa rin kami makapaniwala na siya ang tao sa likod nito!

"Pero it doesn't make any sense," biglang sabi ni Bryan. "Hindi siya kasama sa game natin so bakit siya ang killer?"

May punto siya. Bakit siya naging killer?

"Baka nalaman niya sa mga kaklase natin ang laro natin tapos naisip niyang maghiganti?" hula ni Janella.

"Ugh. Sumasakit ang ulo ko sa mga revelations na to!" sabi ni Drey at nakahawak sa ulo niya.

Bryan sighed. "Ngayon may idea na tayo tungkol sa killer habang siya ay wala pang ideya na alam na natin ang identity niya... kailangan na nating mag-ingat at hanapin ang cop."

Tumango kami. Matatapos na ang game dahil alam na namin kung sino ang killer! Ang cop na lang ang po-problemahin namin!


Bryan's point of view

Nagpaalam na kami sa isa't isa para matulog na. Nilapitan ko muna si Drey bago sumunod kay Harris sa loob ng tent.

"Drey."

Nilingon niya naman ako. "Bakit?"

"Pwede ko bang kunin ang clue? Gusto kong subukang i-solve ang numbers."

Tumango siya at kinuha ang papel sa loob ng bulsa niya saka inabot sakin. "Oh."

"Paano mo nakuha ang George sa clue?" nagtatakang tanong ko. Nakakagulat lang kasi na na-decipher niya na ang letter codes.

"Ah! Nagsearch kasi ako ng code types tapos lumabas ang Caesar cipher. Triny ko kaya ayun... di ko akalain na maso-solve ko agad."

Caesar cipher?

"Sige, pasok na ko ah! Good night, Bry."

Tumango ako. "Good night."

Pumasok na siya sa loob ng tent niya kaya bumaba ang tingin ko sa papel.

Turn around once to observe,
turn around twice to perceive,
turn around thrice to believe,
Thus, it shall be Dblodb -2456.

DBLODB = George
-2456 = ?

"Anong ginagawa mo?"

Nagulat ako dahil sa taong kumausap sakin. Nilingon ko siya at nakita kong seryoso ang mukha niya na nakatingin sakin. Bumaba ang tingin niya sa papel na hawak ko.

Murder MysteryOnde histórias criam vida. Descubra agora