Chapter 8: Hope of the Mystery

235 16 3
                                    

Arthur's point of view

"AHHH!!!"

"Shit!" napamura ako ng marinig ko ang boses ni Janella.

"Janella!" sigaw ni Drey at agad tumakbo sa pinanggalingan ng sigaw.

Tumakbo ako para sundan siya. Tangina!

Nanlaki ang mga mata ko ng may mabangga si Drey, pareho silang nakaupo sa sahig. Agad kong itinutok ang flashlight ko sa mukha niya.

Holy hell!

"C-Chloe?!" gulat na gulat na sabi namin ni Drey.

"Tangina, anong ginagawa mo dito?!"

Hindi siya makasagot pero patuloy naman dumadaloy ang luha sa pisngi niya. Hinila ko siya para makatayo siya. Inalayan namin siya ni Drey.

"Anong ginagawa mo dito, Chloe?" malamig na tanong ni Drey sa kanya.

"M-May pupuntahan sana ako..."

"Sa ganitong oras?" seryosong tanong ko naman.

Hindi siya sumagot.

"Tara na puntahan na natin si Janella baka may mangyari pang masama sa kanya."

Agad kaming sumunod kay Drey. Nakarating kami sa next floor. Hinanap namin sa buong sulok si Janella.

"Janella!" tawag ko at hinahanap siya kasama ko si Chloe.

"Asan ka, Janella?!" sigaw ni Drey sa kabilang room.

"Arthur?!" boses ni Harris. "Dito sa pinakadulong room!"

Agad kaming pumunta sa room kung saan andun si Harris. Napahinto kami nang makitang hawak niya si Janella na walang malay.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Drey at yumuko para tingnan si Janella.

"She passed out after seeing this..,"sabi niya at tumingin sa taas.

Napatingin din kami sa taas.

"Tangina!" mura ko at umiwas ng tingin.

Napasinghap si Chloe at umiwas din ng tingin.

"Puta!" sigaw naman ni Drey.

Isang katawan ang nakabitay sa ceiling. Parang yung nangyari kay Kiana. Hindi ko kayang tingnan dahil tangina nakakakilabot sa pakiramdam.

"Chloe? Anong ginagawa mo dito?" nalilitong tanong sa kanya ni Harris.

Yumuko lang siya at hindi sumagot. Kahit ako ay nagtataka kung bakit siya andito.

Sana naman ay hindi siya ang killer. Pero posible din bang hindi namin kaklase ang killer?

"Anong nangyari?" kakarating lang sina Dwaine, Bryan at Kean. Nakita kong pinasadahan ng tingin ni Bryan si Chloe.

Pwede ring si Bryan ang killer. Sa simula pa lang ay siya ang nakaisip ng larong to. Weird din siya at tuwang-tuwa nung malaman niyang lalaruin namin ang Murder Mystery.

Siya ang nag udyok samin para laruin ito kaya hindi imposible na siya nga ang killer.

Napatingin ako kay Chloe. Pwede rin siyang maging killer. Pwedeng pinaglalaruan lang niya kami at pinapalabas na galing sa 12 Alvarez ang killer.

I sighed. Hindi. Mali ang iniisip ko. I shouldn't think that way to my friends.

"Fuck! Sino yan?" nagulat si Kean ng itinapat niya ang flashlight sa likod nina Kean.

"Hindi ko rin alam natatakpan yung mukha dahil sa buhok," mahinang sabi ni Harris.

"Tangina, pwede bang tumawag na lang tayo ng pulis at hayaan silang mag imbestiga?" nagpapanic na sabi ni Dwaine.

Murder MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon