Chapter 19: The Killer

206 14 1
                                    

Last 2 chapters! :)

Harris' point of view

"Shawn, Kobe at Joshua. Dito lang kayo. Bantayan niyo mga gamit natin," sabi ni Arthur at tumakbo kaya naman sinundan namin siya nina Drey.

"Arthur!" sigaw ko.

Pero hindi siya tumitigil. Delikado kaming lahat ngayon dahil nandito ang killer! At isa pa, hindi namin makita si Mrs. Alvarez!

Shit! Anong binabalak ni Arthur?! Nakita kong dumiretso siya papunta sa Library Building.

Tumigil siya sa floor kung saan namatay noon si Keisha.

"Arthur! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" sigaw ko sa kanya.

Nakita kong yumuko siya at—

"Rose?!"

Si Rose may saksak sa tagiliran niya at hinang-hina. Agad namin siyang tinulungan at sinandal sa pader.

"Anong nangyari, Rose?" nag-aalalang tanong ni Janella sa kanya.

"S-Si Ma'am Alvarez... Patricia..." tanginang sabi niya at nawalan ng malay!

"Shit! Rose!"

"Don't worry. Nawalan lang siya ng malay pero kailangan na natin siyang dalhin sa ospital baka maubusan siya ng dugo," sabi ni Janella.

"Sige. Dito lang muna kayo, Janella at Shine. Bantayan niyo si Rose," bilin ni Arthur at tumakbo ulit kaya sinundan namin.

"Mrs. Alvarez!" sigaw ni Arthur at pumapasok sa mga room para hanapin si Mrs. Alvarez. Ganun din ang ginawa namin.

"Arthur! Nandito si Mrs. Alvarez!" sigaw ni Allan kaya pinuntahan namin siya.

Agad naming nakita si Mrs. Alvarez na walang malay pero nakatali sa isang upuan at may tape sa bibig.

"Allan. Dyan ka lang sa labas, magbantay ka," sabi ko at nilapitan si Mrs. Alvarez para tanggalin ang tali at tape.

"Drey!"

Napatingin kami kay Shine na sumunod samin.

"Shine! Anong ginagawa mo dito? Saan si Janella at Rose?" tanong ni Drey at nilapitan si Shine.

Napailing ako habang tinatanggal ang tali sa katawan ni Mrs. Alvarez. Mukhang may lovelife si Drey sa gitna ng kamatayan.

"Nag-alala ako kaya ako sumunod..."

"Shine... hindi mo na dapat ginawa yun..."

"Pero—

"Dyan ka lang muna sa gilid at ililigtas namin si Mrs. Alvarez, okay?"

"S-Sige..."

Nasa gilid na ulit namin si Drey. "Hindi pa rin ba natatanggal ang tali?"

"Hindi pa, masyadong mahigpit ang pagkakatali," sabi ni Arthur.

"Bilisan na natin baka dumating na ang killer."


Janella's point of view

Ang sabi sakin ni Shine ay susunod siya kina Drey dahil nag-aalala siya dito. Wala namang problema sakin pero hindi ako makakasama dahil walang kasama dito si Rose.

Nakita kong unti-unting minulat ni Rose ang mga mata niya.

Ngumiti ako. "Kumusta ang pakiramdam mo? Tiis ka lang muna ah. Hintayin lang natin sina Harris."

Hindi siya nagsalita at nananatiling nakatingin sakin. Ang seryoso din ng itsura niya.

Lumapit ako para matingnan ang kalagayan niya. "Rose, anong nararamdaman—

Murder MysteryWhere stories live. Discover now