Chapter 2: First Victim

315 23 1
                                    

Chloe's point of view

"Kailangan nating umalis, ngayon na!"

Agad-agad naming kinuha ang mga gamit namin at nagpapanic na lumabas ng room.

"Huwag magpanic! Diretso sa labas! Bilisan niyo!"

Nakita kong pumunta siya sa room namin para sabihin ang balita.

"Shit! Nandito pala sa school natin ang sunog!" nagpapanic na sabi ni Harris.

"Bilisan na natin! Una kayo girls," hinila ako ni Arthur at tinulak ako sa harap.

Dali-dali kaming bumaba at lumabas ng building. Tanaw na tanaw namin ang nasusunog na library building.

Hindi kami makapaniwala sa nakikita namin. Ngayon lang nagkaroon ng sunog sa school kaya masyado kami gulat sa mga pangyayari.

"Sayang yung mga libro," nanlulumong sabi ni Janella.

I agreed. Ang dami nun at nasayang lamang sa sunog.

"Saan daw nagsimula ang sunog?" tanong ni Drey.

Walang sumagot sa kanya pero yan din ang nasa utak ko ngayon. Saan nagsimula ang sunog? Parang biglaan naman yata?

"Nakakalungkot tingnan," mahina kong sabi habang tanaw ang nasusunog na building.

Ang bilis ng mga pangyayari. Sinuspend ng University President ang lahat ng klase dahil sa sunog. Namatay na rin ang sunog sa building, natagalan ang pagpatay dito dahil masyadong malaki ang apoy at kalat na kalat ito.

Nandito kaming lahat sa isang sulok. Tanaw ang building na kulay itim dahil sa sunog. Hindi pa kami pinapayagan umuwi dahil kailangan kaming sunduin ng parents or guardian namin.

Dumating na rin si Stella. Nagulat siya dahil sa nangyari.

Ganun din ang kaklase nina Janella na si Shawn at si Dwaine. Late silang lahat na dumating kaya gulat sila nang makitang sunog na ang library building.

"Grabe... ilang years na yan dito sa school tapos nasunog..," mahinang sabi ni Shawn.

I sighed and looked sadly at the building.

"Sayang, tambayan pa naman natin yan dahil malamig. Mahilig pa naman matulog si Keisha dyan," humalakhak si Stella.

Napatingin kami sa mga fire fighters na pumapasok sa loob ng building.

"Iimbestigahan yata nila kung saan nanggaling ang sunog," sabi ni Dwaine.

Tahimik lamang kami habang nakatingin sa kanila. Hinihintay namin ang mga parents naming dumating.

"I'm sorry Mr. Montesino, pero absent po ngayon si Mrs. Alvarez dahil may seminar siya for 1 week."

Napalingon kami kay Ma'am Lina na kausap ang isang matandang lalaki.

"Ma'am, please, kailangan ko po ng tulong... Hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang apo ko," umiiyak na sabi ng matanda.

"Hindi ba't Lolo yun ni Keisha?"

Nagkatinginan kaming lahat bago tumakbo papunta sa Lolo ni Keisha. Fuck! Lolo niya nga ito. Pero anong sabi niya?

"Mr. Montesino, I'm really sorry. Pwede niyo pong kausapin ang Principal-

"Mr. Montesino? Lolo po kayo ni Keisha?"

Napatingin ang dalawa sa amin.

Tumango habang umiiyak ang Lolo ni Keisha. "Kilala niyo ba ang apo ko?"

"Kaibigan niya ho kami," seryosong sabi ni Harris.

Napapikit ang Lolo niya habang tumutulo ang luha. "Hindi pa umuuwi si Keisha mula nung Biyernes."

Lahat kami natigilan sa sinabi niya.

Ano?! Paano?! Shit! Saan nagpunta ang babaeng yun?!

"H-Ho?!" gulat na gulat na sabi ng mga boys.

Dumilat siya at tiningnan kami ng malungkot. "Inireport ko na ito sa pulis at hinahanap na nila ang apo ko. Pero hindi ako mapakali ng wala akong ginagawa! Gusto kong hanapin ang apo ko..."

"Kayo ba ang huli niyang nakasama?" tanong samin ni Ma'am Lina.

"Absent po ako nung Friday, Ma'am," mahina kong sabi.

"Hindi ko po siya nakasama dahil sinundo na po ako ng Papa ko dahil kumain kami sa labas," sabi ni Stella.

"Nakasama po namin siya nung Friday pero nauna po siyang umalis sa amin," sabi ni Janella.

Lahat kami napatingin sa kanya.

"Usually po ay sabay po kaming umuuwi. Pero nung Friday po ay una po siyang umalis sa amin, hindi ko na po siya nasundan dahil may lakad po ako," umiwas ng tingin si Janella.

Nanliit ang mga mata ko sa reaksyon niya.

"Nasaan ka ba Keisha?" mahinang sabi ni Mr. Montesino.

Malungkot namin siyang tiningnan. Where the fuck are you, Keisha? Sasabunutan kita pagbalik mo!

"Triny niyo po ba siyang tawagan?" seryosong sabi ni Harris.

Tumango si Mr. Montesino. "Patay ang phone niya."

"Shit," bulong namin.

Kinuha ni Stella ang phone niya. Nakita kong tinatawagan niya si Keisha. "Tangina! Cannot be reached!"

"Stella! Your language!" sabi ni Ma'am Lina.

"Sorry, Ma'am," nakayukong sabi ni Stella.

Tiningnan ko si Mr. Montesino. Ibinigay ko ang panyo ko sa kanya ng makita kong tumutulo ulit ang kanyang luha. "Ano pong sinabi ng mga pulis?"

Tinanggap niya ito at pinunasan ang luha niya. "Wala pa rin silang balita at patuloy nilang hinahanap ang apo ko. Tatawagan nila ako agad kapag may balita na sila."

Natahimik kami. Lahat kami ay nag-aalala sa kaibigan namin.

Nakita kong niyakap ni Stella si Janella dahil umiyak ito. Iniwas ko ang tingin ko dahil ayokong mahawa sa kanila. Please, please... Sana mahanap na si Keisha.

"Ms. President!"

Napalingon kami dahil sa sigaw ng isang fire fighther.

"Nalaman niyo na po ba ang dahilan ng sunog?"

"Yes, Ms. President. Nagpatawag na rin po kami ng mga pulis para imbestigahan ang nangyari."

Kumunot ang noo naming lahat sa aming narinig.

"Ms. President, this is a murder case."

Natigilan kaming lahat sa sinabi niya. Murder case? Bakit?!

"W-What? Murder case?! Bakit? Anong meron?" nalilitong tanong ng University President namin.

Tinanggal ng bumbero ang suot niyang sombrero. "May bangkay po sa loob ng building."

Nanlaki ang mga mata namin. Ano?! May bangkay?! Bakit may bangkay sa loob?!

"What?!"

"Yes po, Ms. President. Agad din po namin na identify ang bangkay dahil may ID itong dala."

Hindi ko alam pero sa oras na iyon ay ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanlalamig ako at pinapawisan. Masamang masama ang kutob ko.

"The victim's name is Keishandra Montesino, a seinor high school student."

Murder MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon